Maria Tiongson Tantoco (Women of Malolos)
Si Maria Tiongson Tantoco o "Biyang", ay isinilang noong Abril 9, 1869, kina Hermogenes T. Tantoco at Ana M. Tiongson. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid, kung saan ang panganay ay si Teresa, at ang iba pa ay sina Vicenta at Teodora Tanctoco. Kasamahan rin niya sa kamag-anak ang dalawang Basilias, at sina Eugenia at Aurea Tanchanco. Nag-aral siya sa isang simpleng akademya kasama ang mga kaibigan noong unang bahagi ng 1899. Subalit, nagsara ang kanilang paaralan noong Mayo 1899 dahil sa pag-alis ni Teodoro Sandico patungong Spain upang iwasan ang pag-aresto ng lokal na pamahalaan. Matapos ang tatlong taon mula sa pagsara ng eskwelahan, nagpakasal si Maria kay Lino Reyes noong Hulyo 12, 1892. Si Lino, o mas kilala bilang "Inong," ay isang Cabeza de Barangay sa kanilang syudad. Nagkaroon sila ng labing dalawang anak na sina Hermogenes, Espiridion, Jose, Severina, Alejandro, Luis, Aurea, Rosendo, Felix, Concepcion, Narciso, at Vicente Reyes. Ang kanilang bahay ay nagsilbing tanggapan ng Secretaria de Exterior of the Republic of Malolos, at naging miyembro rin si Maria sa AFF. Namatay siya noong Oktubre 17, 1912, sa edad na 44, dahil sa isang operasyon dulot ng meningitis.
References
Tiongson, N. G. (2004). Maria Tiongson Tantoco. In The Women of Malolos (pp. 335-340). Ateneo de Manila University Press.