Samahang Senakulista ng Tikay

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
Samahang Senakulista ng Tikay

Article by Daniel

Isa ang makasaysayang tradisyon At gawain ng mahal na araw ang senakulo at alam niyo ba na Ang Brgy Tikay ang pinaka matagal na nag tatangal ng Senakulo sa Bayan ng Malolos. Nagsimula ang Senakulo ng Tikay taong 1914 mahigit isang daan na itong nagtatanghal hanggang sa kasalukuyan. Ito ay dinarayo ng mga tao dahil sa aking galing at kakaibang pagtatanghal. Ang kasaysayan ng Senakulo sa Tikay ay nagsasalin lahi patuloy siyang nag tatagal dahil sa pagsasalin salin sa mga pamilya


Nagsimula ang senakulo na may dumating na taga Maynila isang grupo ng kalalakihan na nang eengganyo na sumali sa isang play o sarswela ang tawag noon . Nagkaroon ng workshop sa mga taga bario nagkaroon ng palihan o workshop kung tawagin. May mga Tikay na sumali at tinuruan kung paano gawin ang paggawa at pagganap sa denakulo. Sa loob ng halos isang daan at anim na taong pagsasabuhay sa mga pangyayari kay Hesukristo ay pinatunayan ng mga sinaunang libro ang lahat ng pasakit Sa pagsasadula ng Senakulo. Makikita din sa mga sinaunang libro na kapag natapos ang isang palabas sinusulat nila dito kung kailan nagsimula at natapos ang isang palabas. At nailathala rin sa libro ni Nicanor Tiongson ang Samahang Senakulista ng Baranggay Tikay. Inilagay Ni Nicanor Tiongson ang orihinal na script at nasa libro rin ni Nicanor Tiongson ang lahat ng senakulo sa Malolos at isa sa pinakamatagal at orihinal na nag papalabas ang senakulo ng Brgy Tikay. 1930-1940 Igmedio Dionisio na taga Pasay isa sa pinaka unang nagdala ng Senakulo Sa Tikay at pinaka unang direktor ng samahan at kasama ang mga pinaka orihinal na tinuruan na si Marcelino B. De Guzman 1954-1956-196-1961


Senakulo ng Samahang Senakulista ng Tikay

Sa paglipas ng maraming taon Baranggay Tikay pa rin ang gumagamit ng orihinal na pagsasadula ng Senakulo na dala ng mga taga Pasay ang pasasadula ng pagkanta ng maraming bersyon kada karakter at ang mga sinaunang script at kaganapan. Maraming nag bago lalo na sa mga kagamitan marami na rin nag bago sa damit at pinagdausan ng palabas. Karamihan sa mga bagong kagamitan ay lapel upang mas lalong marinig at mas lalong masakit at mapadinig sa ibang tao damdamin at mga salita na may laman at aral.


Ang senakulista ng baranggay Tikay ay nagtatanghal tuwing Mahal na Araw simula ng gabi ng Linggo De Ramos hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay sa araw naman ng biyernes Santo ay ginagawa ang pagtatanghal sa lansangan magsisimula sa dulo ng nayon ng Tikay hanggang sa kabilang dulo ng nayon ng Tikay. Nitong nakaraang mahal na araw isa sa mga manlalahok na nagtagal ang Senakulista ng Tikay na nag perform sa Pie Juse na ginanap sa Malolos City munisipyo ng lungsod n Malolos. Kung sila ay mag-aasawa, sila ay hindi na maaaring makapagtanghal sa Senakulo.



Samahang Senakulista ng Tikay Malolos Bulacan 1991-1992

Presidente: Nardo Reyes

Bise Presidente: Berting Bulaong- Apo ni G Bertingbulaong ang Kasalukuyang Birhen na si Binibining Bea Cyril Bulaong Hernandez

Sekretaryo: Mariano Dela Cruz

Taga-Suri: Loreto Pagtalunan

Ingat-Yaman: Federico E. Ikong Santiago – Apo ni G.Ikong ang Kasalukuyang Mahusay na Director na si G. Aljeru Pagtalunan

Ang Samahan ay Binubuo at Pinamunuan at Kasalukuyang Director

G. Aljeru Pagtalunan

Presidente: Remeo Dedeng Garcia

Bise Presidente : Darius Ayot Dayao

Ingat Yaman: Bea Cyril Bulaong Hernandez


References

Apolonia

Aljeru