Pook

From Wiki Malolos
Revision as of 16:05, 7 November 2023 by Jhade F (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Pook

barrio ng look 1st

Ang Look 1st ay isang barangay na nakasailalim sa huridiksyon ng Malolos, Ito’y katabi ng Barangay Longos at Barangay Bulihan at dulong hangganan ng Malolos at Calumpit. Ang Look 1st ay may kabuuang 6,869 populasyon sa may 1,545 kabahayan. Source:

               https://maloloscity.gov.ph/barangay-look-1st/


Ang Barangay Look 1st ay dating bahagi lamang ng Barangay Lugam at ito’y tinawag na “Look ng Lugam” na nangangahulugang pinakadulo at pinakamahabang sakop na kalupaan ng Barangay Lugam. Katunayan nito ay nanatili pa rin na iisa ang Bisita at paaralan ng dalawang Barangay, ngunit sa pagdaan ng panahon at dumami na ang mga taong naninirahan dito kaya napagpasyahan na hatiin ito sa dalawang Barangay.


Ang ilang tradisyon tulad ng Piyesta ay nananatili pa ring iisa ang selebrasyon. Ang paaralan na nakasakop ng Barangay Look 1st na nakarehistro bilang Lugam Elementary School, ay ipinaglaban ni dating konsehal Niño Castillo upang ito’y mabilang sa Barangay Look 1st na nagtagumpay naman at ngayon ay naging Look 1st Elementary School.


Historical and Cultural Life of Look 1st Natural Resources – Ang Look 1st ay mayaman sa malawak na mga bukirin. Kaya naman hindi maitatanggi na pagsasaka ang naging pangunahing hanap buhay ng karamihan sa mga tao rito.

Burial – Nakasanayan ng mga mamamayan sa barangay na ito ang paglalaro ng beto beto, Lucky 9, at iba pang laro bilang pampalipas oras sa lamay ng yumao. Isa rin sa mga nakagawiang tradisyon sa Look 1st ay ang pag martsa ng banda o “mosikos” kasama ng mga kamag-anak at iba pang mahal sa buhay ng namatayan patungo sa huli nitong hantungan.


Beliefs - Nagkahiwalay man ang dalawang barangay ay may isang simbahang nakatayo sa pagitan ng mga border nito, at ito’y nagsisilbing tulay sa dalawang barangay upang maisagawa pa rin nila ang kanilang mga nakagawiang tradisyon. Sa tulong ng simbahang ito, nakilala sa pangalang Sto Rosario Chapel at ang kanilang pinagsaluhang Patron na si Nuestra Señora del Rosario.


Old Superstitious Beliefs Wag mag gupit ng kuko pag gabi dahil masama daw ito. Wag mag wawalis pag gabi sa harap ng bahay oh sa paligid dahil aalis daw ang swerte sa loob ng bahay


Events - Mayroong fiesta sa Look 1st na tinatawag na Fiestang Malaki. Ipinagdiriwang ito tuwing huling linggo ng Abril bilang pagbibigay pugay sa Nuestra Señora del Rosario. Isa itong paraan ng pasasalamat sa masaganang ani ng mga magsasaka.


Other Fiestas: Fiestang Maliit - Pista ng Mahal na patron ng Nazareno - Ipinagdiriwang tuwing ika 26 ng Pebrero

Fiesta ng Sto. Niño - Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Enero

Fiesta ng Sto. Rosario - Tuwing ika-7 ng Oktubre

Fiesta ng Mama Mary - Tuwing ika-8 ng Setyembre