Antonio G. Sempio

Revision as of 09:21, 10 November 2023 by Janela (talk | contribs) (Created page with "Article by Princess_D <h2>(February 22, 1891 - 1943)</h2> Si ''Antonio G. Sempio'' ay isang kilalang nobelista. Siya ay isinilang noong February 22, 1891, na anak nina Gng. Lucia Gonzales at G. Jacinto Sempio. Nag tapos siya ng sekundarya sa Bulacan High School noong '''1910'''. Si Antonio Sempio ay naging guro sa Bulakan Central School sa Bulakan, Bulacan, at naging guro rin sa Eastern Tayabas Institute sa Lopez, Quezon. Sa kabila ng pagiging abogado, siya ay nakap...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Article by Princess_D

(February 22, 1891 - 1943)

Si Antonio G. Sempio ay isang kilalang nobelista. Siya ay isinilang noong February 22, 1891, na anak nina Gng. Lucia Gonzales at G. Jacinto Sempio. Nag tapos siya ng sekundarya sa Bulacan High School noong 1910. Si Antonio Sempio ay naging guro sa Bulakan Central School sa Bulakan, Bulacan, at naging guro rin sa Eastern Tayabas Institute sa Lopez, Quezon. Sa kabila ng pagiging abogado, siya ay nakapag sulat ng mga nobela na yumabong at nag iwan ng mga papuri sa mata ng kaniyang mga mambabasa.

Dahil sa mga nobela ni Antonio Sempio siya ay naguwi ng mga papuri sa iba’t ibang aspekto ng panunulat dahil sa inilathala niyang mga libro. At ilan sa kaniyang mga nobela sa Filipino ay nagawan ng serye sa magasine o nasa diyaryo bago pa ito gawing libro. Dahil sa kaniyang galing siya ay kilala bilang isang mahusay na manunulat, nobelista, direktor, at isang abogado. Ang kanyang mga nobela ay Ilaw at Panitik (1919), Selia Makaraig (1929), Anak Dalita (1933), Dasalang Perlas (1936), at Bituing Naglaho (1937). Ang kanyang sinulat na Punyal na Ginto (1933) ay ginawang isang Pelikula at nakilala bilang isang “talkie” sa historya ng Pelikula. Ang Nayong Manggagawa (1939) ay nakakuha rin ng isang papuri sa Commonwealth Literary Contest. Bilang isang abogado, ginamit ni Sempio ang lakas ng panulat bilang sandata upang talakayin ang mahahalagang isyu sa lipunan at pulitika.

Si G. Antonio Sempio ay nagkaroon ng limang anak kay Sixta Villanueva: Alicia Sempio-Diy, Ernesto Sempio, Lucia Sempio, at Nelia de Castro, at ang kaniyang panganay na anak na namatay dahil sa isang gera. At noong 1943, ay namatay si Antonio G. Sempio, ngunit siya ay nag iwan ng mga nobelang tumatak sa puso at isipan ng kaniyang mambabasa at manonood.



References

External Links