Estefania Aldaba-Lim

Revision as of 02:40, 15 November 2023 by Sammerry Mapa (talk | contribs) (Created page with "Aritcle by Adrian_A '''Estefania Aldaba-Lim''' '''(Enero 6, 1917 - Marso 7, 2007)''' Si Estefania Aldaba ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero taong 1917, sa Malolos, Bulacan, kay Estefania Julian at Amado Aldaba. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa paaralan ng Malolos Elementary at pinagpatuloy naman niya ang kanyang pag-aaral sa Bulacan High School noong 1929. Si Aldaba ay nakapagtapos noong taon 1936 ng Batsilyer sa Edukasyon sa Philippine Women's University...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Aritcle by Adrian_A


Estefania Aldaba-Lim (Enero 6, 1917 - Marso 7, 2007)

Si Estefania Aldaba ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero taong 1917, sa Malolos, Bulacan, kay Estefania Julian at Amado Aldaba. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa paaralan ng Malolos Elementary at pinagpatuloy naman niya ang kanyang pag-aaral sa Bulacan High School noong 1929. Si Aldaba ay nakapagtapos noong taon 1936 ng Batsilyer sa Edukasyon sa Philippine Women's University (PWU). Kumuha siya ng Masterado sa Sikolohiya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kalaunan, nag-aral siya sa Unibersidad ng Michigan bilang isang iskolar.

Si Aldaba ay naging miyembro ng Philippine Women's University mula 1949 Hanggang 1971. Siya din ang kauna-unahang Pilipina na nakakuha ng Doktorado sa Sikolohiyang Klinikal noong 1942. Sa tanong 1948, binuo niya ang Institute of Human Relations sa PWU. Dagdag pa dito, ang mga naging katungkulan niya sa Department of Social Services and Development, Federal Government of the Philippines mula 1971 hanggang taong 1977. Itinatag din niya ang Museo Pambata noong 1944. Siya ay naging kauna-unahang babaeng Special Ambassador sa United Nations na may ranggong katuwang na kalihim pangkalahatan sa UNICEF-UNESCO International Year of the Child noong 1979. Nakatanggap rin siya ng UN Peace Medal sa parehong taon. Ngunit, lingit sa kaalaman ng ?arami, bata pa lamang ay nagkaroon na ng hilig si Aldaba sa pagkatuto ng klasikong musika, balete, drama, at paglalakbay na nanatili hanggang sa kaniyang pagtanda. Siya din ay isang manunulat na nakagawa ng higit sa 100 artikulo tungkol sa kalusugang pangkaisipan, tama at wastong pagpapalaki sa anak, kapakanan ng mga bata, at karapatan ng mga kababaihan. Ngunit sa kasawiang palad, binawian ng buhay si Estefania Aldaba sa edad na 89 noong ika-7 ng Marso taong 2007.

References