Bangkal

Revision as of 01:15, 16 November 2023 by Jhade F (talk | contribs)

Bangkal Article by Ceejay B


Kasaysayan

Maraming taon na ang nakalipas, ang lugar na ito ay kilala sa tawag na Parang, at nasasakupan ng pangasiwaan na ngayon ng Matimbo. Sa isang panig nito ay may isang mataas na punong kahoy na kung tawagin ay "Bangkal", kung saan hango ang pangalan ng pook na ito. Sa dakong timog nama'y may isang pulo na kung tawagin ay "Painuman", dahil sa balong na may magandang bukal na siyang pinagmumulan ng tubig gamit sa bahay, Painuman ng mga hayop at pandilig sa mga halaman ng mga kanugnog sa paligid.


Mayo 1, taong 1990, Opisyal ng bumukod ang Bangkal sa Matimbo, at ito ay mayroon lamang na 125 na populasyon. Ito ay may isang daan at dalawampo(120) humigit kumulang na lawak ng lupain. Dating may malawak na lupaing pang-Agrikultura. Ang paglobo ng populasyon ay nagsimula noong 2006, ng magkaroon ng relokasyon. Ang mga apektadong pamilyang naninirahan sa may gilid ng riles ng train sa pamamagitan ng Northrail Development Project ng pamahalaang lungsod.

Panahon ng Espanyol

Ang opisyal na pangalan ng baryo na ito ay tinatawag na Bangkal. Ito ay matatagpuan sa Sitio ng Malolos. noong panahon ng Kastila, may dalawang punong tumutubo sa harap ng kapilya. Tinawag ito ng mga tao na "Punong Bangkal". Kaya ang pangalan ng baryo ay hinango sa mga puno. Kasama sa sitio ang apat na lugar: Talikawa, na matatagpuan sa hilaga; Magtaos, sa silangan; Painuman sa timog at Karunutan sa kanluran. Noong una, ang lugar ay nasa ilalim ng teritoryal na hurisdiksyon ng baryo ng Matimbo. Ito ay tinawag na "Parang ng Matimbo". Apat na pamilya ang nag-migrate sa lugar na iyon na naging dahilan ng paghihiwalay ng Matimbo proper at tinatawag na Bangkal ngayon.


Sa panahon ng rehimeng Espanyol, umiral ang Cabeza de Barangay. Ang mga cabeza na ito ay ang mga taong namumuno sa mga tao. Gumawa sila ng mga patakaran na dapat sundin. Tungkol naman sa mga kasuotan, ang mga babae ay nagsuot ng palda at kimono habang ang mga lalaki ay nakasuot ng mahabang pantalon at barong tagalog na gawa sa sukob.


Pananakop ng mga Amerikano

Dalawang pangyayari ang naganap sa panahon ng rehimeng Amerikano. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon muli ng engkwentro sa mga Huks. Dahil dito, lumikas ang mga tao sa lugar na iyon sa ibang mga lugar. Karamihan sa mga pamilya ay lumikas sa Matimbo. Nasunog ang mga bahay at ninakawan ang mga ari-arian. Hanggang sa panahong ito, napakaraming pamilya ang bumalik sa lugar. Sa panahon ng pagtatanim, ang mga taong naninirahan doon ay maagang pumapasok sa trabaho bago pa sumikat ang araw, at umuuwi sa hapon bago ba abutan ng dilim. Sa kabila ng mga paghihirap na ito ay labis parin ang kanilang saya.

Paniniwala

Marami ang naniniwala na ang mundo, lupa, bundok, kweba, dagat, lawa, ilog, halaman, puno, hayop, araw, buwan at mga bituin ay nilikha ng Diyos. Naniniwala rin sila na patag ang mundo, dahil kapag tumingin sila sa malayo ay makikita nilang dumadampi ang langit sa lupa. Ang iba ay naniniwala na ang mga kuweba ay ginawa ng malalaking hayop, habang ang mga dagat, ilog, at lawa ay dulot ng malakas na ulan. Pagdating ng mga bagyo ay sinabi nila na ang mga tao ay parurusahan. Ayon sa kanilang mga pamahiin ang eclipses ay sanhi ng lindol, kulog, at kidlat. Naniniwala rin sila na hindi magandang maligo kapag hindi nakikita ang buwan sa gabi. Naniniwala rin sila sa kulam. Kapag ang isang tao sa kapit-bahayan ay nagkakasakit o nagkasakit, pinapaniwaalan nila na ito ay maaaring nakulam ng taong may ayaw sa kaniya.

Mga Awitin

Ang mga sumikat na kanta ay ang mga:

  • Kuridos
  • Awit
  • Dalit

Mga Libangan

At ng mga laro naman ay tinatawag na mga "batikuleras" "duplo" and "barangas" at "turong-baka", at mga kuridos. Para sa libangan ay madalas silang may dalit at kuridos.

Paraan ng pagtukoy ng oras

Alam at sinasabi ng mga tao ang oras sa pamamagitan ng kabuuan. Sinasabi rin nila na ang oras sa gabi sa pamamagitan ng pagtingin sa mga star dipper at sa north star. Walang kwentong bayan ang isinulat ng mga katutubo dahil kakaunti ang kanilang pinag-aralan. Sila ay walang kaalaman tungkol sa paghahari ng Espanya. Wala silang pinag-aralan dahil takot sila sa mga Kastila at Guardia Civil. Nagtago sila sa tuwing makikita nila ang mga guardia civil. Nang dumating ang mga Amerikano ay natakot din silang mag-aral.


References

   Deogracias Buenaventura
     Virginia C. Buenaventura
       https://nlpdl.nlp.gov.ph/HD01/p10/m10/b5/bs/datejpg.htm