Balisungsong

Article by: Carlo

Talaga namang hindi magpapatalo ang mga Pilipino pagdating sa larangan ng pagkain dahil sa ating angking kagalingan sa pag diskubre at pag-e-eksperimento, dahil sa ating likas na malawak na imahinasyon, tayo ay maraming natutuklasang pagkain na bago lang sa ating mga paningin. Kaya't samahan niyo ako upang alamin ang isa sa mga pagkaing malilimutan na sa menu ng Filipino Cuisine… ang 'Balisungsong'

Sa kabuuan, ang 'balisungsong' o 'talulo' ay ilan lamang sa mga kinalabasang produkto ng pagkamalikhain, at pag gamit ng malawak na imahinasyon ng mga Maloleño. Ito ay isa sa katunayan na hindi matatawaran ang ating angking galing pagdating sa larangan ng pagkain.

Origin

Ang 'Balisungsong' Maloleño ay nagmula sa bayan ng Balite. Ang kanilang sariling bersyon ng balisungsong o talulo ay ang naging dahilan para makilala ang Malolos bilang isa sa mga bayan na may kakaibang gawang pagkain at pagkamalikhain sa aspeto ng pagkain. Ang 'Balisungsong' o 'Talulo' ay ay isang uri ng kanin na pinausukan habang nakabalot sa habal habal o dahon ng saging. Ang balisungsong Maloleño ay dating kilalang pagkain sa iba't ibang dako ng lugar sa Pilipinas lalo na sa parte ng Bulacan. Ngunit sa pag lipas ng mga araw ay unti unti itong nakalilimutan ng iba sa atin dahil ito ay pinalitan na ng mga bagong uri ng pagkaing kanin na nagmula sa iba't ibang bansa sa mundo. May pailan ilan na lamang na restaurant na mayrong ganito sakanilang menu at ilang lugar na lang din sa ating bansa ang naghahanda ng ganito sakanila tuwing may espesyal na okasyon gaya ng kaarawan, pista, kasal, binyagan, at marami pang iba.

Ingredients

  • 3 cups white rice
  • 5 cups water (enough water to immerse the rice)
  • 15 pcs banana leaves (cut into 6 inches wide)

Procedure

  1. Start by washing the rice 2 to 3 times in a bowl (or until the water runs clear).
  2. Fold the banana leaves to form a cone shape.
  3. Add the rice to fill half each cone, then fold the end.
  4. Arrange the wrapped rice in banana leaves in a pot.
  5. Put water and make sure all wrapped rice is submerged.
  6. Cover the pot and put on the stove over high heat until it boils.
  7. Let it simmer over low heat until the rice is cooked.
  8. Remove from heat, peel off the banana leaves when ready to eat.
  9. Serve with your favorite dish. Enjoy!

References