Masile
Article by Shailo
Kasalukuyan
Ang isla na ito ay matatagpuan sa paglabas ng sapa ng pangagtan kung magmumula sa kailugan ng Calero, ang tanging paraan lamang upang makapunta sa barangay ay pagsakay sa bangca, tatagal ang byahe mula sa punduhan ng Atlag hanggang Isla Masile ng 30 minutos.
Ang kabuuang lawak ng lupain ng Masile ay umaabot sa 91.6 na ektarya , na sya namang pinaninirahan ng 898 na mamamayan ayon sa 2020 cencus.
Sa kadahilanang tubig ang nass paligid ng Barrio Masile, ito ang naging pangkabuhayan ng mga mamamayan, mula sa pamamalaisdaan , hanggang sa pagbabaklad. Ilog ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Tuwing sumasapit ang ika-26 ng Nobyembre,ay ipinagdiriwang naman ng mga tao ang kapistahan ng Nuestra Señora Delos Remedios, bilang pasasalamat sa gabay nito sa Barangay.
Kasaysayan
Noong unang panahon, Ang Masile ay isang kagubatan kung saan maraming sili na tumutubo sa kalupaan.
Isang araw aya mayroong mangingisda mula sa bayan ng Malolos na naghahanap ng lugar malapit sa dagat. Naglibot sila hanggang mahanap nila ang isang lugar na maraming nakatanim sa sili. Nilinis nila ang lugar at gumawa doon ng kanilang tirahan. Tinawag nila ang lugar na Masile na ang ibig sabihin ay maraming sili.
Pananakop ng mga Hapones
Sa panahon ng Pananakop ng mga Hapon ay labis na nagdusa ang mga tao na halos nawalan na sila ng pag-asa na magkakaroon ng mapayapang buhay. Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na ito , naging mapag-patuloy pa rin sila lalo na sa mga gerilya na madalas bumisita sa kanilang lugar. Pinakain nila sila, binibihisan at madalas na nananalangin para sa kaligtasan ng mga naghihirap na sundalong ito.
Mga Tradisyon
- Pista- Tuwing fiesta ang lahat ng mamamayan ay mayroong handang maraming pagkain. Ang mga taga Masile ay magagalang at mapag-patuloy. Mayroong silang pagoda o prusisyon sa kailugan.
- Pamahiin- Napakamapamahiin ng mga tao. Naniniwala sila sa buhay at kamatayan . Naniniwala sila na kapag namatay ang isang tao, babalik siya sa ikatlong gabi at makikipag-isap sa mga kakilala o sa ibang matatapang na kamag-anak.May mga mang aaliw na pumupunta sa bahay ng namatay at nananalangin ng siyam na gabi para sa kaligtasan ng kaluluwa. Naniniwala din sila sa mga mangkukulam. Iniisip nila na kung ang isang tao ay may sakit , ito ay sanhi ng ilang masasamang elemento.
- Kasalan- Sa pagpapakasal ay mayroon ding ilang paniniwala. Na hindi magandang magpakasal kung walang buwan. Naniniwala sila na ilang kamalasan ang maaaring mangyari sa bagong kasal, kung ang kasal ay idadaos ng walang buwan. Sa seremonya ng kasal ay may malaking handaan. Maraming pagkain at inumin. Mahilig sila sa Kundiman at sa mga katutubong sayaw.
Paraan ng pagtukoy ng oras
Ang mga mangingisda ay namamandaw tuwing gabi . Nalalaman nila ang panahon sa pagtingin sa bituin at sa bundok mg Bataan at Arayat sa umaga.
References
https://maloloscity.gov.ph/barangay-masile/