Ang Mahiwagang Ginto ng Malolos
Noong unang panahon may dalawang simbahan sa Malolos, isang malaki at maliit. Ang paniniwala ng mga matatanda noon na mayroong nakatanim na ginto sa ilalim ng altar ng dalawang simbahan na ito.
"Ang sabi-sabi kanina lang na may na kita raw na ginto sa ilalim ng altar ng simbahan." Ani ng isang matanda.
"At ang sabi pa ay hindi raw ito katulad ng gintong nakukuha sa pamamagitan ng pagmimina kundi ang ginto na ito ay isang hayop!" Dagdag pa ng isang matandang babae.
"Baka iyon ang buwaya at manok na kasama ang mga sisiw nito na nagpapakita tuwing kalagitnaan ng gabi!" Sabi ng isang residente sa kalapit na baryo.
"Abay akala ko ako lamang ang nakakita noon,at noong sinabi ko nga sa iba ay hindi ako pinaniniwalaan." Wika ng isang magsasaka.
Tulad nga ng sinabi ng isang residente, sa ilalim ng altar ng malaking simbahan nakatanim ang isang gintong buwaya at sa maliit naman nakalagay ang gintong manok at mga sisiw na siyang anak nito.
At habang tumatagal ang panahon ay ang kwentong ito ay unti-unti nang humuhupa at sinasabi ng mga matatanda na wala na ang mga ginto sa ilalim ng mga altar.
"Ang mga gintong iyon ay maaaring lumubog na ng malalim sa lupa." Ani ng matanda. "Naku baka tinangay ito ng mga Amerikano!" Sabi ng isang matanda.
References:
- http://116.50.242.167/nlpdl/OB01/NLPOBMN0037016575/bs/6.htm?fbclid=IwAR3HtPHZPDT9o biiYCzbU36iiyc9NUESOIHWJ_cqKj4V5xXNA_3U6BvR19A
https://www.pinterest.ph/pin/262053272042313640/feedback/?invite_code=9081070422d2494d 9e390e7c2f126687&sender_id=1009369472642906594 https://www.reddit.com/r/reptiles/comments/nytcwi/a_golden_crocodile_a_siamesesaltwater_cro codile/?rdt=51818