Talk:Pook
Isla ng Masile
Isa sa mga isla ng malolos na di kalayuan sa syudad, ang pamamalaisadaan o pangingisda ang pangunahin nilang pangkabuhayan bukod sa pamamasada ng mga bangka.
Kaya’t halina at alamin pa, and mga hiwaga ng Masile
Ang isla na ito ay matatagpuan sa paglabas ng sapa pangagtan kung mag mumula sa kaiugan ng calero, Ang tanging paraan lamang upang makapunta sa barangay masile ay gamit ang pampasaherong bangka, tatagal ang biyahe mula sa punduhan ng atlag hanggang isla masile ng 30 minuto.
Ang kabuuang lawak ng lupain ng masile ay umaabot sa 91.6 na ektarya, na sya namang pinaninirahan ng 898 na mamamayan ayon sa 2020 cencus.
Sinasabing magubat o mapuno raw ang isla masile nuong araw, at may ilang taong sinubukang manirahan dito, habang naglalakaad sila ay may nakita silang maliit ng bundok at sa tuktok ay may nakita silang tumutubong halaman na sili kayat tinawag ang isla na iyong ‘’isla masile’’ hanggang sa marami na ang pumunta at nag pasyang manirahan duon
RESOURCES
Sa kadahilanang tubig ang nasa paligid ng baryo masile, ito na ang naging pang kabuhayan ng mga mamamayan, mula sa pamamalaisdaan,hanggang sa pagba-baklad. Ilog ang pinagkukuhanan ng pangkabuhayan.
EDUKASYON
Sa kasalukuyan, mayroong paaralang elementarya sa barangay masile kung saan nag aaral ang mga kabataang nakatira sa barangay na ito
PATRON
Tuwing sumasapit ang 26 ng nobyembre, ay ipinag diriwang naman ng mga tao duon ang kapistahan ng neustra seniora delos remedios, bilang pasasalamat sa gabay ni sa barangay