Ang Mahiwagang Ginto ng Malolos: Difference between revisions

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "<h1><strong>Ang Mahiwagang Ginto ng Malolos</strong</h1> Napakarami ring kuro-kurong kwento noon pa man ang bumabalot sa buong baryo maging sa mga kalapit nito.Katulad na lang ng ating kalagayan ngayon na parang hinipan lang ng hangin ang pagkalat ng mga impormasyon at mga kwentong hindi lamang pinagpasapasahan kundi unti-unting binabago na rin. Sinong mag-aakala na ang kwento-kwento dati ay ang pagkakaroon ng ginto sa ilalim ng altar ng dalawang simbahan noon sa Mal...")
 
(Blanked the page)
Tag: Blanking
 
(4 intermediate revisions by one other user not shown)
Line 1: Line 1:
<h1><strong>Ang Mahiwagang Ginto ng Malolos</strong</h1>


Napakarami ring kuro-kurong kwento noon pa man ang bumabalot sa buong baryo maging sa mga kalapit nito.Katulad na lang ng ating kalagayan ngayon na parang hinipan lang ng hangin ang pagkalat ng mga impormasyon at mga kwentong hindi lamang pinagpasapasahan kundi unti-unting binabago na rin.
Sinong mag-aakala na ang kwento-kwento dati ay ang pagkakaroon ng ginto sa ilalim ng altar ng dalawang simbahan noon sa Malolos? Hindi mo rin akalain na gintong paniniwala nila noon ay isang hayop at hindi isang gintong makukuha sa pamamagitan ng pagmimina.
Ang sabi pa nga ng mga matatanda doon na nakakakita sila ng buwaya at inahing manok kasama ang mga anak nito pagsapit ng dilim. Dahil nga ang pinaniniwalaan noon na ang ginto sa ilalim ng altar ng unang simbahan ay buwaya at sa pangalawang simbahan naman ay inahing manok at ang mga inakay nito.
Hindi rin nagtagal ay napalitan na naman ang kwentong ito at ang sabi ng mga matatanda ay nawala na ang mga gintong ito dahil lumubog na ang mga ito sa lupa. Kasalungat naman sa sinasabi ng iba na baka ang mga ito ay tinangay ng mga Amerikano sa kadahilanang ang dalawang simbahang ito ay nasira dahil sa labanan sa pagitan ng mga nagrerebelde at mga Amerikano noon.
Mayroon tayong magkasalungat na pagpapakahulugan sa mga ginto noon at ngayon, at pinapahiwatig lang nito na mas simple ang pamumuhay noon kaysa sa ngayon dahil ginto ang turing nila sa mga hayop at hindi tulad sa kasalukuyan na ang ginto ay isang bagay na mayroong malaking mahalaga. Ang mga ito parte ng kanilang paniniwala at kultura na hanggang ngayon ay normal sa mga pilipino. Mga simpleng kwento mula sa isang baryo o lungsod ay hindi lamang kuro-kuro bagkus ito ay nagiging daan din sa pagpapakita at pagpapakilala ng mga kultura at paniniwala ng isang bayan.
[[Category:Kwentong Bayan]]

Latest revision as of 06:12, 12 November 2023