Anastacia Maclang Tiongson (Women of Malolos): Difference between revisions
No edit summary |
No edit summary Tag: Manual revert |
||
Line 32: | Line 32: | ||
<div class="row"> | <div class="row"> | ||
<div class="column"> | <div class="column"> | ||
<img src= <html><iframe src="https://drive.google.com/file/d/1TU7VbSGcpxcahVTEc2LfpDtNTMgqv26y/preview" width=" | <img src= <html><iframe src="https://drive.google.com/file/d/1TU7VbSGcpxcahVTEc2LfpDtNTMgqv26y/preview" width="50%" height="1000px" style="border:0;"></iframe></html> | ||
</div> | </div> |
Revision as of 15:59, 19 November 2023
Si Anastacia Maclang Tiongson o Taci, ay isinilang noong Enero 22, 1874 kina Fabian M. Tiongson at Norberta T. Camaclang (pinaikli at ginawang Maclang). Bagama’t hindi nakatapos ng mataas na edukasyon, bihasa siya sa Español at may talento sa pagnenegosyo. Sa murang edad na 14 taong gulang, pumirma siya sa sulat na nanghihimok sa noo’y Gobernador-Heneral na pahintulutan ang pagtatayo ng paaralan kung saan matututo ang mga kababaihan ng Español. Noong himagsikan, nagbigay ng suporta si Taci sa mga sundalo ng Malolos at Bulakan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, pera, at damit. Sumuporta rin sila sa administrasyong Aguinaldo noong inilipat ito sa Malolos. Isa si Taci sa mga 100 babae na sumali sa Asociacion Central de Cruz Roja na itinatag ni Hilaria del Rosario, asawa ni Aguinaldo.
Napangasawa niya si Vicente Torres noong Agosto 6, 1910, ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Noong 1940, may nadama si Taci na sakit sa tiyan, ngunit hindi siya nagpatingin sa doktor. Uminom na lamang sa pangpawala ng sakit, ngunit pagdating ng panahaon ay hindi na kinaya ng gamot ang kanyang karamdaman. Naisugod pa siya sa ospital ngunit huli na ang lahat. Binawian siya ng buhay noong Marso 20, 1940. Ang kanyang burol ay ginanap sa La Loma bago dalhin ang kanyang katawan sa Dagupan para sa libing; ngunit kinalaunan ay inilipat ang kanyang mga buto sa Espiritu Santo Church.