Women of Malolos Foundation, Inc. (WOMFI): Difference between revisions

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
No edit summary
No edit summary
Line 3: Line 3:
Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang naging moderno ang ating lipunan. Isa sa napakaraming pagbabago ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga kababaihan. Noong mga sinaunang panahon, laganap ang mga ganitong kaso kung saan inaabuso ang mga kababaihan—o kung hindi naman, nagkaroon sila ng isang tiyak na paglalarawan sa mga kababaihan; katulad ng pagiging mahinhin, taga-gawa ng mga gawaing bahay at wala masyadong papel sa lipunan. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng pagbabago sa lipunan maging ang pagbabago sa trato sa mga kababaihan, mas pinagtuunan ng pansin ang isang bagay na napakahalaga sa isang tao; ang edukasyon.  

==<h3>Ang Sulat ng mga Kadalagahan ng Malolos kay Gobernador-Heneral Weyler</h3>==

Noong december 12, 1888, dalawampung kababaihan sa malolos ay nagsama-sama upang nagkaroon ng petisyon at nagpadala sila ng sulat sa noon ay nakaupo bilang gobernador heneral na si Weyler upang imungkahi na magkaroon sila ng kanilang paaralan nang sa gayon ay matuto sila ng wikang kastila. Ang pangyayaring ito ay naging iba sa karamihan sapagkat bibihira lamang ang mga babaeng may paninindigan at determinasyon upang makuha ang kanilang inaasam na edukasyon.  

==<h3>Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos</h3>==

Nang dahil sa pangyayaring ito, labis na hinangaan ni Dr. Jose Rizal ang mga kadalagahan ng malolos dahil sa labis na katapangan na kanilang ipinamalas. Kaya naman sumulat si Rizal ng liham para sa mga kadalagahan ng malolos upang iparating ang kanyang pag suporta bilang kanilang kababayan. Inilarawan ni Rizal sa kanyang liham ang katangian ng isang tipikal na babaeng madalas niyang makilala. Kalimita’y mahinhin, may mabuting asal, matamis ang damdamin ngunit animo’y sunod-sunuran naman sa kung ano ang iniuutos ng mga prayle noon. Inihalintulad niya rin ang mga ito bilang “mamulaklak ma’y walang bango, magbunga ma’y walang katas.”. Kaya naman labis-labis ang paghanga ni Rizal sa dalawampung kababaihang tumindig upang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon sila ng kanilang paaralan. Tunay nga na ang pangyayaring ito ay isa sa mga patunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang nararapat na magnatili sa loob ng kanilang tahanan, sapagkat ang bawat tao babae man o lalaki ay may pantay-pantay at kanya kanyang tungkulin at karapatan na nararapat na gampanan sa lipunan.  

Line 12: Line 14:
Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng malolos ay isa sa nag-udyok sa ilang mamamayan sa Malolos upang magtatag ng isang organisasyon na naglalayong mas maibahagi ang nilalaman ng sulat ni Rizal para sa mga kababaihan ng Malolos.

==<h3>Women of Malolos Foundation</h3>==

Ang Women of Malolos Foundation ay pormal na naitatag noong Disyembre 13, 1999 sa pamumuno ng dating presidente nito na si Dra. Eldaba Lim. Layunin nito na mas palawakin pa at upang ibahagi sa marami ang naganap noong binigay ang sulat kay gobernador-heneral Weyler at ang nilalaman ng sulat ni Rizal para sa mga kadalagahan ng Malolos.

Line 30: Line 33:
==<h3>References</h3>==
==<h3>References</h3>==

Vicente Enriquez (november 10, 2023) Personal Interview
Vicente  

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/bachelor-of-arts-in-filipinology/ang-mga-babae-noong-unang-panahon-ay-madalas-nasa-bahay-lamang/24547466

Revision as of 16:46, 15 November 2023

Article by Yeshua

Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang naging moderno ang ating lipunan. Isa sa napakaraming pagbabago ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga kababaihan. Noong mga sinaunang panahon, laganap ang mga ganitong kaso kung saan inaabuso ang mga kababaihan—o kung hindi naman, nagkaroon sila ng isang tiyak na paglalarawan sa mga kababaihan; katulad ng pagiging mahinhin, taga-gawa ng mga gawaing bahay at wala masyadong papel sa lipunan. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng pagbabago sa lipunan maging ang pagbabago sa trato sa mga kababaihan, mas pinagtuunan ng pansin ang isang bagay na napakahalaga sa isang tao; ang edukasyon.

Ang Sulat ng mga Kadalagahan ng Malolos kay Gobernador-Heneral Weyler

Noong december 12, 1888, dalawampung kababaihan sa malolos ay nagsama-sama upang nagkaroon ng petisyon at nagpadala sila ng sulat sa noon ay nakaupo bilang gobernador heneral na si Weyler upang imungkahi na magkaroon sila ng kanilang paaralan nang sa gayon ay matuto sila ng wikang kastila. Ang pangyayaring ito ay naging iba sa karamihan sapagkat bibihira lamang ang mga babaeng may paninindigan at determinasyon upang makuha ang kanilang inaasam na edukasyon.

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos

Nang dahil sa pangyayaring ito, labis na hinangaan ni Dr. Jose Rizal ang mga kadalagahan ng malolos dahil sa labis na katapangan na kanilang ipinamalas. Kaya naman sumulat si Rizal ng liham para sa mga kadalagahan ng malolos upang iparating ang kanyang pag suporta bilang kanilang kababayan. Inilarawan ni Rizal sa kanyang liham ang katangian ng isang tipikal na babaeng madalas niyang makilala. Kalimita’y mahinhin, may mabuting asal, matamis ang damdamin ngunit animo’y sunod-sunuran naman sa kung ano ang iniuutos ng mga prayle noon. Inihalintulad niya rin ang mga ito bilang “mamulaklak ma’y walang bango, magbunga ma’y walang katas.”. Kaya naman labis-labis ang paghanga ni Rizal sa dalawampung kababaihang tumindig upang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon sila ng kanilang paaralan. Tunay nga na ang pangyayaring ito ay isa sa mga patunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang nararapat na magnatili sa loob ng kanilang tahanan, sapagkat ang bawat tao babae man o lalaki ay may pantay-pantay at kanya kanyang tungkulin at karapatan na nararapat na gampanan sa lipunan.

Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng malolos ay isa sa nag-udyok sa ilang mamamayan sa Malolos upang magtatag ng isang organisasyon na naglalayong mas maibahagi ang nilalaman ng sulat ni Rizal para sa mga kababaihan ng Malolos.

Women of Malolos Foundation

Ang Women of Malolos Foundation ay pormal na naitatag noong Disyembre 13, 1999 sa pamumuno ng dating presidente nito na si Dra. Eldaba Lim. Layunin nito na mas palawakin pa at upang ibahagi sa marami ang naganap noong binigay ang sulat kay gobernador-heneral Weyler at ang nilalaman ng sulat ni Rizal para sa mga kadalagahan ng Malolos.

Sa paglipas ng halos labing apat na taon simula nang maitatag ang organisasyong ito, marami na rin silang inilunsad at nakamit. Kamakailan lamang, naglunsad sila ng isang fashion show na ginanap sa metropolitan museum na pinamagatang “kasuotan at kasaysayan”. Ibinida rito ang iba’t ibang kasuotan ng mga kababaihan noon.

Ayon sa kasalukuyang presidente ng WOMFI na si Vicente Enriquez, labing apat na taon na ang nakalipas, nagkaroon ng isang museum sa isang lumang bahay sa may Sto. Niño Malolos, Bulacan, ngunit ngayon ay wala na ito. Dalawang beses rin daw na nagkaroon ng isang heritage bazaar sa parehong lugar. Noong 2014 naman, nagkaroon ng isang DVD player kung saan naitampok ang mga kababaihan ng malolos.

Noong 2004, nagkaroon ng isang libro na pinamagatang “The Women of Malolos” ni Nicanor Tiongson. Ngunit ang Women of Malolos Foundation ay gumawa ng isang booklet kung saan ang nilalaman ng libro ay mas pinaikli upang mas mabasa ito ng mga kabataan.

Ang lahat ng mga nagawa ng organisasyong ito ay may isang layunin; ito ay ang mas ipakilala sa mga pilipino ang mga makasaysayang pangyayari na naganap noon kagaya na lamang ng makasaysayang pag-abot ng sulat ng mga kababaihan ng malolos. Ang kanilang layunin upang mas malaman ng nakararami ang mga ganitong klaseng bagay ay labis na mahalaga sa atin hindi lamang upang mas magkaroon ng kaalaman sa kasaysayan, kundi upang mas magkaroon tayong mga kababaihan ng inspirasyon na kagaya ng dalawampung kadalagahang ito, tayo ay tumindig, maging determinado, at magkaroon ng lakas ng loob kasabay ng pag sibol ng makabagong lipunang ating ginagalawan.

References

Vicente

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/bachelor-of-arts-in-filipinology/ang-mga-babae-noong-unang-panahon-ay-madalas-nasa-bahay-lamang/24547466

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/bachelor-of-arts-in-filipinology/ang-mga-babae-noong-unang-panahon-ay-madalas-nasa-bahay-lamang/24547466

External Links

Official Page of Women of Malolos Foundation, Inc. (WOMFI) - Facebook https://m.facebook.com/groups/638321452941548/

This day in #Herstory: The women of Malolos - Foundation for Media Alternatives https://fma.ph/2017/11/29/today-herstory-women-malolos/

Women of Malolos Foundation, Inc Womfi - YouTube https://m.youtube.com/channel/UCP8JsMddtxg1j-M9lxaEZRw

The Local Heritage Organization in Malolos The Women of Malolos... - ResearchGate https://www.researchgate.net/figure/The-Local-Heritage-Organization-in-Malolos-The-Women-of-Malolos-Foundation-Inc-located_fig3_355057485

Bulacan commemorates 133rd year of Rizal's letter to the women of Malolos https://mb.com.ph/2022/02/23/bulacan-commemorates-133rd-year-of-rizals-letter-to-the-women-of-malolos/

To the young women of Malolos: The crucial role of the mother in the development of ... https://www.linkedin.com/pulse/young-women-malolos-crucial-role-mother-development-society-mendoza

Mga Kababayang Dalaga ng Malolos - Wikipedia https://en.m.wikipedia.org/wiki/Mga_Kababayang_Dalaga_ng_Malolos

Women of Malolos: An empowering musical drama | ABS-CBN News https://news.abs-cbn.com/lifestyle/10/12/14/women-malolos-empowering-musical-drama

Remember the contributions of women in history at this house ... https://nolisoli.ph/10366/remember-the-contributions-of-women-in-history-at-this-house-turned-museum/amp/

To The Young Women of Malolos | PDF | Sparta | Philippines - Scribd https://www.scribd.com/document/321069185/To-the-Young-Women-of-Malolos