Rufina Tengco Reyes (Women of Malolos)

From Wiki Malolos
Revision as of 17:03, 14 November 2023 by Shyllie (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Rhassen A

Si Rufina Tengco Reyes ay isinilang noong Nobyembre 16, 1869, kina Clemente Teongson Reyes at Maria Tengco. Isa si Rufina sa 20 magigiting na kababaihan ng Malolos, at sa kanyang tahanan isinagawa ang pag-aaral ng wikang Español ng mga Kababaihan ng Malolos. Sa ilalim ng Red Cross, nagbigay si Rufina ng tulong sa mga Katipunero; nag-alok siya ng pagkain, pera, tabako, at sigarilyo sa mga sundalong nasa ospital. Boluntaryo rin niyang inalagaan ng mga sugatan at may sakit, maging ito'y sa kampo ng kaaway o kaibigan. Kasapi rin si Rufina sa Asociacion Feminista Filipina sa Pariancillo. Sumakabilang-buhay si Rufina noong 1909, sa edad na 40. [[]Category:Ang Mga Kababaihan ng Malolos]