Niugan

From Wiki Malolos
Revision as of 20:52, 15 November 2023 by Janela (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Article by Jhapet Leou

Kasaysayan at Pamumuhay

Sa dakong timog ng Malolos, silangan ng Mambog, hilaga ng Taal at dating bahagi nito, matatagpuan ang hindi masyadong kilala na barrio ng Niugan.

Bagaman walang eksaktong petsa ang makapagpapatunay ng pagkakatatag ng barrio na ito, mahihinuha pa rin mula sa mga datos kung bakit at saan nakuha ang pangalan na Niugan. Sinasabing ito ay dating bahagi ng Taal. Ito ang istorya nito – Naghahanda ang mga katandaan sa paparating na isang kapistahan nang umabot sila sa hindi pagkakaunawaan. Ang hindi pagkakaunawaan na ito ay nagresulta sa pagbubukod ng mga naninirahan dito. Mula sa kanilang pagbubukod, nagtayo sila ng kanilang sariling kapilya at nagdiwang ng sariling piyesta. At dahil sagana sa matatayog na puno ng niyog ang lugar ay pinangalanan nila ito bilang “Niugan”.

Mga orihinal na pamilyang nanirahan sa Niugan:

  • Paraiso
  • Vicente
  • Gregorio

Ilan sa mga dating naging "tenientes" ang mga sumusunod:

  • Alipio Mateo
  • Alejandro Paraiso
  • Wenceslao Pingol
  • Jose Lava
  • Juan Tapang
  • Victoriano Tolentino
  • Dionisio del Rosario
  • Nazario Adriano
  • Pedro Adriano
  • Roman Castro
  • Bernabe Santiago
  • Braulio Bugnot
  • Celerino Mateo
  • Roman Clavio
Sa Pananakop ng mga Espanyol

Nagtatag lamang ang mga mananakop na Espanyol ng humigit kumulang na apatnapung kabahayan sa lugar. Sa kasamaang palad ay nabawasan pa ito sa kalahati noong pagputok ng digmaan taong 1896-1900, ito ay sa dalawampung mga pamilya. Ang bilang na ito ay nangangapa sa limampu’t dalawa noong muling pumutok ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa Pananakop ng mga Hapones

Sa hindi maiiwasang digmaan noong 1941, nagsilbing atraksiyon ang kapayapaan at seklusyon ng kanilang barrio upang maging pugad ng Hukbalahap. Nang dahil sa takot ay nilisan na lamang nila ang kanilang lugar at isinuko ang kanilang mga kabahayan nang walang pupuntahan. Maraming namatay dahil sa digmaan, dagdag pa rito ang mga nabiktima ng malaria. Ngunit nagbalik din ang labing-anim na mag-asawa kasama ang ilang may mga anak.

Mga Tradisyon at Gawi

  1. Ang mga taga-Niugan ay naapektuhan sa layo ng kanilang kapilya sa pag-obserba ng kanilang regular na kaganapan tuwing Linggo.
  2. Isinasagawa nila ang binyag, kasal, at iba pang seremonyang pang-simbahan sa simbahang-bayan.
  3. Bilang kanilang libangan, bida ang kanilang mga katutubong kanta at ang sikat sa kanila na “sayaw-bukid”.
  4. Ginagamit naman nila ang araw, mga bituin, at tandang bilang panukat sa oras.
  5. Sa oras ng pagkakasakit ay may mga tinatawag silang “herbolarios” upang manggamot sa kanila.

Sa Kasalukuyan

Ang Niugan ay may populasyon na 715 ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2020 Census. Nirerepresinta nito ang 0.27% sa kabuuang populasyon ng Malolos. Ang barangay ng Niugan ay may malawak na kabukiran kaya’t ang pangunahing hanapbuhay dito ay pagsasaka at paghahalaman. Kasalukyan itong pinamumunuan ni Igg. Reynaldo Bautista bilang kapitan ng barangay.

External Links

https://nlpdl.nlp.gov.ph/HD01/p10/m10/b23/home.htm

https://www.philatlas.com/luzon/r03/bulacan/malolos/niugan.html

https://maloloscity.gov.ph/niugan-2/