Purificacion C. Reyes

From Wiki Malolos
Revision as of 12:22, 15 November 2023 by Sammerry Mapa (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Article by Carlos_A


Purificacion_C._Reyes

Purificacion C. Reyes (Hunyo 19, 1912 - Hunyo 14, 1995)

Isinilang sa Malolos, Bulacan, noong Hunyo 19, taon ng 1912 kina Alkalde at Ginang Isberto Crisostomo. Nagtapos siya ng sekondarya sa Bulacan High School noong 1931. Kinuha niya ang kanyang tertiary education sa Colegio de Santa Rosa at Centro Escolar University sa Maynila.

Inialay niya ang kanyang buhay bilang isang public servant. Siya ang naging unang babaeng mayor ng bayan ng Malolos. Nagsilbi rin siya bilang Special Executive Assistant sa Malacañan. Sa kanyang termino bilang alkalde, binigyang prayoridad niya ang paggawa ng mga kalsadang nag-uugnay sa malalayong baryo sa town proper, ang pagtatayo ng ilang paaralan lalo na ang mga nasa bay areas ng Malolos at ang pagtatayo ng ilang daycare centers. Aktibo rin siyang nakilahok bilang pambansang tagapangulo ng RIC, National Red Cross, Soroptimist Club at DMI. Layunin din ng eksibit na ihayag sa publiko, lalo na sa nakababatang henerasyon, ang kanyang buhay at mga kontribusyon sa larangan ng serbisyo publiko.

Siya ay pumanaw noong Hunyo 14 taon ng 1995, sa edad na 83 bilang punong bayan mula 1968 hanggang 1986, itinaguyod ni Nanay Cancion ang pagpapalakas ng pamanang pangkultura ng Malolos at mga programang pang-ekonomiya at kababaihan.


References


External Links