Chicken Pakam
I
Article:Marjorie
Talaga nga namang kamangha mangha ang mga Filipino pag dating sa pag luluto ng mga putaheng pang ulam o pulutan isa na dito ang "Chicken Pakam" na nag mula sa malolos, bulacan.
Origin
Pakam o Chicken Pakam ay isang putahe na nag mula sa Malolos, Bulacan Ito ay hinahanda bilang ulam o pulutan, minsan ay hinahaluan ito ng dugo ng manok, toyo at labanos.Ang ulam na ito ay talaga nga namang kakaiba dahil ang "puting adobo" ay pwede palang gawing mas masarap pa kapag ito'y niluto sa sibuyas, bawang, luya at kamatis. Ang lasa nito ay pinag halong adobo, tinola at sarciado ngunit ang chicken pakam ay mas masarap dahil ang lasa ng mga sangkap ay nanunuot sa laman ng manok.[1]
Sa kabuuan ang chicken pakam ng malolos,bulacan ay sumasalamin sa pagiging malikhain ng mga malolenyo dahil ang simpleng puting adobo ay pwede pa palang mas pasarapin. [2]
Ingredients
- 1 kilong manok
- ¼ cup ng suka
- 2 dahon ng laurel
- 1 kutsarang pamintang pino
- 4 na kamatis, patis
- 1 tasang tubig
- bawang
- sibuyas
- mantika
Procedures
- Sa isang kawali pag samahin ang manok, suka, dahon ng laurel at paminta. Haluin at pakuluan ito hanggang sa lumambot ang manok at matuyo ang suka.
- Bago tuluyang matuyo ang suka mag lagay ng mantika at prituhin ang manok hangang sa maging matingkad na kayumanggi ang kulay nito. Alisin ang manok sa kawali at itabi.
- Sa parehong kawali at katamtamang apoy mag lagay ng mantika. Igisa ang bawang at sibuyas.
- Ilagay ang kamatis at ipag patuloy ang pag gigisa hanggang sa maluto ang sibuyas.
- Itaas ang lebel ng apoy, mag lagay ng tubig at hayaang kumulo.
- Ibalik ang manok, takpan ang kawali at patuloy na pakuluan sa katamtamang apoy sa loob ng sampo hanggang labing limang minuto o hanggang sa maluto ng tuluyan ang manok. Patuyuan ito ngunit huwag tuyong tuyo nararapat itong may sapat na sarsa.
- Timplahan ng patis, patayin ang apoy at ihain.
References
Matito,M.B.(2023).Chicken Pakam.
by Ang Sarap Editors(March 17, 2020) Chicken Recipes https://rb.gy/cp255w
lhra(December 16, 2023)Bulacan, Food Itineraries,Tips