Malolos Cathedral
Ang Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception of Malolos o mas kilala bilang Malolos Cathedral ay isa sa mga tanyag na simbahan sa Pilipinas na matatagpuan sa Malolos ang kabisera ng Bulacan. Ito ay itinatag noong ika-11 ng Hunyo taong 1580 na mas kilala sa tawag na Malolos Church. Ito ang nagsilbing Palasyo ng Malakanyang ni Emilio Aguinaldo sa panahon ng Unang Republika ng Pilipinas simula noong ika-15 ng Setyembre taong 1898 hanggang ika-31 ng Marso taong 1899. Naging opisina ni Aguinaldo ang kumbento ng simbahan.
Noong kasagsagan ng labanan ng Pilipinas at Amerika ay nag pasiya ang mga Amerikano na lusubin ang bayan ng Malolos upang talunin ang mga sundalong naroroon at para masakop ang bayan. Sa kabilang banda naman ay bago makarating ang mga Amerikano, tumakas na si Aguinaldo kasama ang mga tauhan nito at inutos kay Heneral Antonio Luna na sunugin ang Malolos Church, upang lahat ng kanilang naiwan na mga estratehiya laban sa mga Amerikano ay mawalan ng saysay sa mga Amerikano.
Sinimulan muling itayo ang simbahan noong taong 1902 hanggang 1936, sa ilalim ng pamamahala ni Pedro Abad. Ito ay itinayo at binasbasan ng Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Rufino Santos noong ika-28 ng Pebrero taong 1954.
Ang Malolos Church ay sa katagalan naging isang Cathedral dahil sa paglikha ng mga Diocese ng Malolos at pagkaluklok ng unang obispo ng simbahan na si Most Reverend Manuel del Rosario D.D. noong Marso taong 1962.
Sa paglipas ng taon sa pag aayos at pagkukumpuni na ginawa ng hinirang na obispo at nangunguna sa ministeryo ng pangkat na si Rolando Tria-Tirona ay kagaya na lamang ng pagbabago sa Diocesan Hall at Mary Magdalene Hall. Hindi nagtagal noong ika-4 ng Disyembre taong 1999, ang katedral ay itinaas sa Minor Basilica ng Immaculate Conception habang nasa ilalim ng pamumuno ni Bishop Tirona. Si Jose Oliveros, ang ika-apat na obispo na namumuno sa simbahan, ay patuloy na gumawa ng mga pagpapabuti rito, partikular na sa patyo ng simbahan at sa paligid. Ang mga yugto ng Patio Development Plan ay kinakatawan ng mga estatwa sa ilalim ng puno ng Kalayaan Tree, ang Memorial Cross sa harap ng Basilica, at ang Presidential Gate.
References:
- Philippine Faith and Heritage Tours. (2022, February 14). Malolos Cathedral – Basilica Minore and Parish of the Immaculate Conception - Philippine Faith and Heritage Tours. https://philippinefaithandheritagetours.com/malolos-cathedral-basilica-minore-and-parish-of-the-immaculate-conception/
- Malolos Cathedral, Bulacan, July 2023 https://en.wikipedia.org/wiki/Malolos_Cathedral#/media/File:Malolos_Cathedral,_Bulacan,_July_2023.jpg
- Adminbdmc. (2022, May 19). The Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception of Malolos / Malolos Cathedral - It's Me Bluedreamer! It’s Me Bluedreamer! https://bluedreamer27.com/the-minor-basilica-and-cathedral-of-the-immaculate-conception-of-malolos-malolos-cathedral/