Tulay-Tampoy

From Wiki Malolos
Revision as of 16:04, 13 November 2023 by Kim (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Tulay Tampoy

Article by Marc


Ang Tulay-Tampoy ay itinatag noong taong 1768, na matatagpuan katabi ng lumang munisipyo ng Malolos at Casa Real Shrine. Nagsisilbing tulay patungo sa Malolos Cathedral. Mula sa pangalang Tulay-Tampoy ang nasabing tulay ay ipinangalan kay Henerel Felipe Estrella noong taong 1926, sa alaala ng kanyang kagitingan at katapangan. Isa sa pangunahing bayani na nanguna sa digmaan sa San Ildefonso noong 1897, ngunit mas kilala pa rin ito sa orihinal nitong pangalan.[1] Noong taong 1768, yari lamang ito sa kahoy ginawang ganap na bato noong ika-19 siglo. May disenyo sa riles sa gilid ng tulay na tinatawag na balusters.


Isa ang Tulay-Tampoy na saksi sa mga Amerikano at mga nangyaring makasaysayan sa harap ng Malolos Cathedral, nag-uugnay sa mga bayan ng Lungsod ng Malolos at Barasoin. Ang Malolos at Barasoin ay pinaghiwalay noong taong 1859, at muli itong pinag-isa noong 1903 sa kasalukuyang panahong pananakop ng Amerika.[2] Ang ilog nito ay nagsisilbing daan upang makatungo sa iba pang pamayanan sa Malolos, may daungan ito noon kung saan nag-kakaroon ng mga mga inaangkat na kalakal at iniluluwas noong panahon ng Kastila at may malaking tulong sa pag-unlad ng ating bayan. Patuloy na napangangalagaan at nadaraanan ng mga Maloleño ang Tulay-Tampoy.[3]


References: