Ten. Cecilio Ramos Abraham
Article by Eliz_F
Ten. Cecilio Ramos Abraham (May 15, 1923 - 1944)
Si Cecilio Ramos Abraham ay ipinanganak sa Tiaong, Baliwag, Bulacan, kina Jose Abraham at Flora Ramos noong ika-15 ng Mayo ng taong 1923. Nakapagtapos siya ng Sekondarya sa Bulacan High School noong 1942. Sa kalagitnaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bandang 1940s, sumali siya sa digmaan bilang miyembro ng Third Regiment, Lugar Militar ng Bulacan, ngunit habang nasa isang misyon sa Bocaue, Bulacan, siya ay brutal na dinakip, pinahirapan, at kalaunan ay pinatay ng mga Hapones. Dahil sa kaniyang katapangan ay itinuring siyang bayani ng kilusang gerilya. Bilang karangalan, ay pinangalanan sa kanyang bayan ang lugar na kanyang tahanan, ito ay tinatawag na barangay Tenyente Cecilio Abraham. Ang pagsaksi sa isang pagpupugay na nagpaparangal sa kagitingan at dedikasyon ng isang taong nagsilbi sa kanilang bansa at mga tao.