Eskwiki: Baitang Apat

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Happy Message

Pamagat: Ang Bansang Pilipinas

Pamantayan sa Ikalawang Yugto ng Pagkatuto:

Inaasahan na sa ikalawang yugto ng pag-unlad na makapaglapat ang mga mag-aaral ng kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas gamit ang perspektiba ng heograpiya, kasaysayan, agham pampolitika, ekonomiks, at mga kaugnay na kaisipan at pagpapahalaga tungo sa pagpapaigting ng kamalayang makabansa.

Pamantayan sa Ikaapat na Baitang:

Naipamamalas ang pag-unawa at pagmamalaki sa pagka-Pilipino na pinagbubuklod ng iba’t ibang kultura batay sa mga konsepto ng heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, pamamahala at pagpapahalaga tungo sa pagpapaigting ng kamalayang makabansa.

Deskripsyon

Pagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa paghubog ng kulturang Pilipino at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kalinangan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansa.

Unang Markahan - Ang Heograpiya ng Pilipinas

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal.

Pamantayan sa Pagganap:

Nakagagawa ng presentasyon tungkol sa katangiang heograpikal ng bansa.

Nilalaman

Ang Heograpiya ng Pilipinas

1. Paggamit ng Mapa at Globo
a. Tiyak (Absolute) na Lokasyon
b. Relatibong Lokasyon

Kasanayang Pampagkatuto:

  • Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas gamit ang tiyak at relatibong lokasyon
  • Ang Pambansang Teritoryo

    1. Saligan ng Teritoryo
    a. Ayon sa Kasaysayan
    b. Ayon sa Saligang Batas
    c. Ayon sa Atas ng Pangulo
    d. Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine-UNCLOS)

    Kasanayang Pampagkatuto:

  • Natatalakay ang konsepto ng bansa
  • Naipaliliwanag ang mga saligan ng lawak at hangganan ng teritoryo ng Pilipinas
  • Pagkakakilanlang Heograpikal

    1. Heograpiyang Pisikal (Klima, Panahon, Anyong Lupa, at Anyong Tubig)
    2. Heograpiyang Pantao (Populasyon, Indigenous Peoples/Etnolingguwistikong Pangkat)

    Kasanayang Pampagkatuto:

  • Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas: (a) Heograpiyang Pisikal at (b) Heograpiyang Pantao
  • Kahalagahan ng Katangiang Heograpikal sa Pag-unlad ng Bansa

    Kasanayang Pampagkatuto:

  • Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito
  • Napahahalagahan ang katangiang heograpikal ng bansa
  • Back to ESKWIKI