Jose Cojuangco Mansion

Revision as of 15:03, 6 November 2023 by Janela (talk | contribs) (Created page with "right|Jose Conjuanco Mansion Aldhea Bawat lugar o istruktura ay may kaakibat na kasaysayan o kwento. Isa ang Jose Cojuangco Mansion sa mga istruktura na mayroong angking kwento. Ang mansyong ito ay matatagpuan sa barangay Liang sa bayan ng Malolos. Ito ay malapit sa isa pang istruktura na siyang napaka makasaysayan, yuon ay ang Barasoain Church. Ang mansyon ay hitik sa mga mayayaman at makukulay na sining at istorya. Ang mansyon...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jose Conjuanco Mansion

Aldhea

Bawat lugar o istruktura ay may kaakibat na kasaysayan o kwento. Isa ang Jose Cojuangco Mansion sa mga istruktura na mayroong angking kwento. Ang mansyong ito ay matatagpuan sa barangay Liang sa bayan ng Malolos. Ito ay malapit sa isa pang istruktura na siyang napaka makasaysayan, yuon ay ang Barasoain Church. Ang mansyon ay hitik sa mga mayayaman at makukulay na sining at istorya.


Ang mansyon o bahay na ito ay pagmamay-ari ni Jose “Pepe” Cojuangco, isang kilalang mambabatas at mangangalakal. Isinilang noong ika-3 ng Hulyo sa taong 1896 si Pepe ay galing sa isang prominenteng angkan na kilala sa kanilang mga negosyo at si Jose rin ang may-ari ng Hacienda Luisita. Siya ay naging kinatawan sa unang distrito ng Tarlac mula taong 1934 hanggang 1946. Si Jose Cojuangco rin ang ama ni Corazon Aquino, ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas, at lolo ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.


Ang mansyon ay yari sa bato at mga kahoy, ito ay may dalawang palapag kung saan naroon ang mga sining, pigura at mga larawang nagpapakita ng relasyon na mayroon ang pamilya. Relasyon sa mga sining na nagpapakita ng ibat ibang istorya, pigura at kasangkapan na nagsisimbolo ng antas ng pamumuhay na mayroon ang pamilya ni Jose Cojuangco.


Kung titignan ay isa lamang tong simple at lumang bahay na nadadaanan ngunit ito ay hindi lang basta basta, sapakat bawat sulok ng bahay o mansyon na ito ay may kaakibat na istorya. Istorya ng makukulay at maraming makabuluhang bagay na siyang nagbibigay saiyo ng kaalaman sa mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan.


Ang pagtuklas sa kasaysayan ng mansion ay parang pag-aaral ng buhay ng may-ari nito, parang pagbabasa ng aklat kung saan bawat pahina ay mayroong bagong kaalaman.


Rerefences

Buendia, Jc , 2014,The Cojuangco Ancestral House ,https://myrefrigeratordoor.blogspot.com/2014/05/the-cojuangco-ancestral-house.html?m=1

Tarcelo-Balmes, Florian , 2010 , PNoy’s business interests are all in the family, https://www.gmanetwork.com/news/topstories/specialreports/196023/pnoy-s-business-interests-are-all-in-the-family/story/

Sumait, Pinky Georgia, 2022 ,Cojuangco Ancestral House , https://www.youtube.com/watch?v=4yxlr70fKa4

Chan, Rence ,2015, Bulacan Culinary Heritage Tour , https://renz15.wordpress.com/tag/cojuangco-ancestral-house/

Sirang Lente , 2019, Jose Cojuangco Mansion , Bulacan, https://www.siranglente.com/2019/09/travel-guide-jose-cojuangco-mansion.html