Jose Cojuangco Mansion

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
Jose Conjuanco Mansion

Article by Aldhea

Bawat lugar o istruktura ay may kaakibat na kasaysayan o kwento. Isa ang Jose Cojuangco Mansion sa mga istruktura na mayroong angking kwento. Ang mansyong ito ay matatagpuan sa barangay Liang sa bayan ng Malolos. Ang mansyon ay ipinangalan sa isang kilalang mambabatas at mangangalakal na si Jose Cojuangco na ama ni Corazon Aquino, ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas, at lolo ng dating Pangulong Noynoy Aquino.[1][2]


Ang mansyon ay may dalawang palapag, ang unang palapag ay yari sa bato at kahoy naman sa ikalawang palapag. Ang mansyon ay mayroong tinatawag na “Silong “ kung saan makikita ang mga mahahalagang kagamitan ng mga Cojuangco. Makikita roon ang mga bagay at kasangkapan na nakakapag-paalala sa istoryang mayroon ang pamilya. Makikita sa loob nito ang mga mahahalagang pigura,larawan na siyang nagkukuwento ng mga nangyari noon. Ang paligid naman ng mansyon ay napapalibutan ng mga halaman at iba't ibang klase ng bulaklak na siyang nagbibigay aliwalas sa kapaligiran.[3][4]


Nakilala ang bahay na ito ng dito nilagay ang historical marker ng mangangalakal at mambabatas na si Jose Cojuangco. Sa mansyon na ito ipinanganak at lumaki si Jose Cojuangco na isinilang noong ika-3 ng Hulyo sa taong 1896. Ito rin ang nagsilbing bahay bakasyunan ng pamilya Aquino ng ito ay maliliit pa lamang.


Kung titignan ay isa lamang itong simple at lumang bahay na nadadaanan ngunit ito ay hindi lang basta basta, sapakat bawat sulok ng bahay o mansyon na ito ay may kaakibat na istorya. Istorya ng makukulay at maraming makabuluhang bagay na siyang nagbibigay saiyo ng kaalaman sa mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan. Ang mansyon ay patuloy na pinangangalagaan ng mga taong pinagkakatiwalaan ng pamilya Cojuangco.


Ang pagtuklas sa kasaysayan ng mansion ay parang pag-aaral ng buhay ng may-ari nito, parang pagbabasa ng aklat kung saan bawat pahina ay mayroong bagong kaalaman.


External links: