Batang Munti sa Balikat

From Wiki Malolos
Revision as of 15:34, 6 November 2023 by Fredjhemae (talk | contribs) (Created page with "Alexia 500px|right May isang mangingisda na puno ng kayabangan, kadamutan, at nakukuha ang mga bagay sa madaling pamamaraan. Ang bagay na nakakadismaya sa kanya ay mas pinili niyang mamuhay ng mag-isa sa halip na samahan ang kanyang asawa at anak. Isang araw, sa maulang panahon, habang siya’y naglalayag gamit ang kanyang maliit na balsa, naisip niyang mamuhay mag isa kahit na iiwan niya ang kanyang pamilya at wala nang balak...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Alexia

Batang Munti sa Balikat.png

May isang mangingisda na puno ng kayabangan, kadamutan, at nakukuha ang mga bagay sa madaling pamamaraan. Ang bagay na nakakadismaya sa kanya ay mas pinili niyang mamuhay ng mag-isa sa halip na samahan ang kanyang asawa at anak.

Isang araw, sa maulang panahon, habang siya’y naglalayag gamit ang kanyang maliit na balsa, naisip niyang mamuhay mag isa kahit na iiwan niya ang kanyang pamilya at wala nang balak bumalik pa.

Sa kanyang byahe, may nakita siya na maliit na tahanan kaya naman huminto siya sa kanyang paglalakbay at tinignan kung maaari niya itong gawing sariling tahanan. Habang siya ay umaakyat papasok ng kubo, mayroon siyang nakasalubong na bata. Ang batang ito naman ay humihingi ng tulong sa nalilitong mangingisda.

“Maaari mo ba akong tulungan tumawid sa ilog?” saad ng maliit na bata.

Agad naman nakuha ng bata ang atensyon ng mangingisda dahil sa sobrang liit niya’y inakalang ito ay isang duwende. Sa tingin niya’y ito ang nagbibigay ng magandang kapalaran kung sino man ang taong makakasama nito. Bigla naman siyang may naisip na ipahatid sa bata imbis na tulungan itong makatawid sa ilog. “Sa halip na tumawid ka sa ilog, bakit hindi ka na lang sumama sa akin upang samahan akong mamuhay?” saad niya.

Ngunit siya ay nabigo dahil tumutol ang bata sa kadahilanang kailangan muna masunod ang kanyang kahilingan bago ito maglatag ng panukala sa kahit anong bagay.

“Bago ko sundin ang iyong hiling, buhatin mo ako gamit ang iyong balikat,” utos ng bata sa mangingisda.

Siya naman ay napatawa at sinabi sa batang napaka gaan nito para buhatin siya gamit ang kanyang balikat. At kahit pa nakakaduda ang kahilingan ng bata, sumang-ayon pa rin siya. Sinimulan niyang buhatin ang bata at nagulat siya nang hindi niya ito mabuhat gamit ang kanyang kamay, kaya naman binuhat niya ito gamit ang kanyang balikat. At sa kanilang paglalakbay, unti-unti ay pabigat ng pabigat ang bata, nagsimula na rin siyang madapa kaya naman ibinaba niya ito sapagkat hindi na niya kinaya ang bigat.

“Ngayon, huwag ka maging mayabang at madamot, huwag kang maniwala na maliit lang ako na duwende, at ikaw ang maestro.” Pangaral sa kanya ng bata. “Umuwi ka ngayon sa inyong tahanan at suportahan ang iyong pamilya. Huwag mo rin iisipin ang lahat sa mundong ito ay madali lamang.” Dagdag pa nito.

Dahil sa binatong mga salita ng bata, nagkaroon siya ng realisasyon at aral tungkol sa bagay na kanyang ginawa. At pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap, muli siyang nag-lakbay, bumalik sa kanyang asawa at anak upang pagtuunan ng pansin at mabigyan ng magandang pagsasama.


References:

  • Story Reference: Mula sa libro ng "Mga Kwentong Mahika sa Malolos" isinulat ni Christian Natividad at King Cortez

https://fb.watch/nZzn7qVJ9a/?mibextid=CDWPTG

  • Image References:

https://clipartmag.com/images/smurf-clipart-31.jpg https://th.bing.com/th/id/R.7c0b9911be03a100f4f5ede2945aae14?rik=fezcZ9hUaH7T3A&riu=htt p%3a%2f%2fclipartstation.com%2fwp-content%2fuploads%2f2017%2f11%2fmagsasaka-clipart 7.jpg&ehk=AMfMivBoKsRIcNvRJ9j3sTrHjpDuKTIsdln4ZFKXT8k%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0 https://img.freepik.com/free-vector/background-scene-with-trees-lake_1308-35095.jpg?size=626 &ext=jpg