Maja Blanca
Chloe Nagsimula ang kainan na ito noong unang bahagi ng 1970. Si Gng. Teresita “Citang” Ignacio ang nasa likod ng matagumpay na pagtatatag ng pagkain na ito. Nagsimula si Aling Citang sa paglalako ng ‘kakanin’ sa kanilang mga kapitbahay sa tulong ng kanyang asawang si G. Ignacio Ignacio, at kanilang anim na anak (Lito, Nene, Lidya, Poleng, Marivic at Joey). Ginawa niya ang lahat ng paghahanda at pagluluto para sa kanyang paninda sa bahay. Ang kanyang kakanin ay naging tanyag, na nag udyok sa kanya na itayo ang lugar na ito na tinatawag na Citang's Eatery Malolos.
Ayon sa mga matagal ng kumakain nito ay ang sikreto ng natatanging lasa ay ang natural na gatas at malasang niyog na ginagamit nila sa paggawa nito. Hindi lang sa lasa nag-mumula ang natatanging katangian ng Maja Blanca ng Citang's Kakanin, kundi pati na rin sa pagiging isa itong pamilyar at tradisyunal na pagkain sa Malolos. Ang Citang's Kakanin ay isang matagal nang tahanan ng mga natatanging Bulakenyong kakanin. Sa bawat kagat ng Maja Blanca,nadama ang pagmamahal at pag-aalaga na ibinuhos ng mga tagapagluto sa paghahanda nito.
Maraming turista ang bumibisita sa Citang's Kakanin upang dalhin pauwi ang Maja Blanca bilang regalo o alaala ng kanilang paglalakbay. Ang katanyagan nito ay nagpapakita ng kahusayan at kagalingan ng mga lokal na tagapagluto sa pag - buo ng Maja Blanca na ito. Sa kabuuan, ang Maja Blanca ng Citang's Kakanin ay natatangi dahil sa kakaibang lasa na dulot ng natural na gatas at malasang niyog, ang tradisyon at pagmamahal ng mga tagapagluto sa Malolos, at ang katanyagan nito bilang isang pasalubong ng lungsod. Ang pagtikim ng Maja Blanca ng Citang's Kakanin ay hindi lamang isang simpleng karanasan sa panlasa, kundi isang paglalakbay sa kasaysayan at kultura ng Malolos, Bulacan.
Ingredients:
- 1/2 CUP CORNSTARCH
- 1/2 CUP SUGAR
- 1/4 CUP WATER
- 2 CUPS COCONUT MILK
- 3 CUPS GRATED COCONUT
Sanggunian: De guzman K.