Anastacia Tiongson Reyes (Women of Malolos)

From Wiki Malolos
Revision as of 05:35, 10 November 2023 by Shyllie (talk | contribs) (Created page with "Si Anastacia Maclang Tiongson o Taci ay ipinanganak noong Enero 22, 1874 kina Fabian M. Tiongson and Norberta T. Camaclang (pinaikli at ginawang Maclang). Bininyagan siya noong Enero 24, 1874 ni Prayle Carlos Vicente, minamahal na pari ng parokya ng Malolos. Kamag-anak ng maraming Kababaihan ng Malolos si Anastacia; marami sa kanila ay ang kaniyang mga pinsan. Hindi siya nakakamit ng mataas na edukasyon ngunit bihasa siya sa Español at talentado sa pagnenegosyo. Sa mur...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Anastacia Maclang Tiongson o Taci ay ipinanganak noong Enero 22, 1874 kina Fabian M. Tiongson and Norberta T. Camaclang (pinaikli at ginawang Maclang). Bininyagan siya noong Enero 24, 1874 ni Prayle Carlos Vicente, minamahal na pari ng parokya ng Malolos. Kamag-anak ng maraming Kababaihan ng Malolos si Anastacia; marami sa kanila ay ang kaniyang mga pinsan. Hindi siya nakakamit ng mataas na edukasyon ngunit bihasa siya sa Español at talentado sa pagnenegosyo. Sa murang edad na labing-apat ay pumirma siya sa sulat na nanghihimok sa Gobernador-Heneral na pahintulutan ang pagtatayo ng paaralan kung saan matututo ng Español ang mga babaeng gaya niya. Noong sumiklab ang himagsikan ay nagbigay ng pagkain, pera, at damit sina Anastacia at kaniyang mga kamag-anak sa mga sundalo ng Malolos at Bulakan. Sinuportahan rin nila ang administrasyong Aguinaldo noong inilipat ito sa Malolos. Isa si Anastacia sa higit 100 na babae na sumali sa Asociacion Central de Cruz Roja na itinatag ni Hilaria del Rosario, asawa ni Aguinaldo. Noong digmaang Pilipino-Amerikano naman ay lumikas sina Anastacia papuntang Tarlac upang hindi mapasakamay ng mga Amerikano at maparusahan. Nagpatuloy ang kaniyang pagnenegosyo. Ilan sa mga kaniyang naging negosyo ay ang Cine Rizal na unang sinehan sa Dagupan, at ang una at tanging prangkisa ng San Miguel beer sa Dagupan at Pangasinan. Nanatiling mapagbigay si Anastacia sa kahit sinong lumapit sa kanya, isang bagay na hindi sinang-ayunan ng kaniyang kapatid na negosyante rin, si Vicente. Nagpakasal siya kay Vicente Torres noong Agosto 6, 1910 sa Simbahan ng Dagupan, ngunit hinihinalaang hindi ito nagtagal. Noong 1940 ay nakaramdam siya ng sakit ng tiyan ngunit binalewala niya ito at ininuman na lamang ng pangpawala ng sakit o pain killers. Kinalauna’y lumala na ang sakit at hindi na kinaya ng gamot kaya isinugod siya sa ospital ng San Juan de Dios. Si Dr. Andres Jacinto na isang Maloleño ang umopera sa kanya, ngunit huli na ang lahat at binawian siya ng buhay noong Marso 20, 1940. Sa La Loma ginanap ang kaniyang burol at dinala ang kaniyang katawan sa Dagupan upang ilibing, ngunit kinalaunan ay inilipat sa Espiritu Santo Church ang kaniyang mga buto.