Gabriel A. Bernardo
Article by Eliz_F
Gabriel A. Bernardo (Marso 14, 1891 - Disyembre 5, 1962)
Si Gabriel Adriano Bernardo, isang kilalang iskolar at librarian, ay isinilang sa Barasoain, Malolos, Bulacan, noong Marso, 14 ng taon 1891 na anak nina G. Mauricio Bernardo at Gng. Engracia Adriano. Si Dr. Bernardo ay nagtapos sa Malolos Elementary School at kabilang sa unang limang nagtapos sa Bulacan High School noong 1909. Pagtuntong ng kolehiyo siya ay nagpatuloy sa pagkuha ng kanyang Batsilyer sa Sining, Batsiyler ng Agham sa Agham sa Aklatan, at Masterado ng Sining sa Ingles at Bibliograpiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1916, 1921, at 1923, ayon sa pagkakabanggit.
Kabilang sa mga maagang nagtapos ng Agham sa Aklatan mula sa UP, si Bernardo ay ginawaran ng iskolarship para ipagpatuloy ang karagdagang pag-aaral sa Estados Unidos kung saan ay nag-aral siya sa Unibersidad ng Wisconsin mula 1918 hanggang 1920. Pagkaraan ng ilang taon ay umuwi si Bernardo sa Pilipinas, kung saan ay ginugol ang kanyang buong karera sa aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nagretiro sa UP noong 1957 bilang isang propesor emeritus. Si Bernardo ay kinilala sa mga titulong "Doyen of Philippine Librarianship," "Dean of Filipino Librarians," at "Ama ng Philippine Librarianship," bilang pagkilala sa kanyang napakalaking kontribusyon sa larangan ng aklatan.
Siya ay kilala bilang isang tagapayo sa bawat mag-aaral na naghanap ng kaalaman mula sa mga aklat at manuskrito na nasa kanyang pangangalaga. Pumanaw siya noong Disyembre 5, 1962, sa edad na 71 at nag-iwan ng isang pamana na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga sumunod na henerasyon.
References
- Gabriel A. Bernardo https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gabriel_A._Bernardo.png
- Who is Gabriel A. Bernardo?. Filipino Librarian. (n.d.). https://filipinolibrarian.blogspot.com/2006/03/who-is-gabriel-bernardo.html
- Gabriel A. Bernardo — Filipino Librarian. (n.d.). https://filipinolibrarian.blogspot.com/2006/03/gabriel-bernardo-filipino-librarian.html
- https://tuklas.up.edu.ph/Record/UP-99796217605915741
External Links
- Holdings: Gabriel A. Bernardo. (n.d.). https://tuklas.up.edu.ph/Record/UP-99796217605915741
- The Spanish Colonial Library Institutions on JSTOR. (n.d.). www.jstor.org. https://doi.org/10.2307/42634613
- Philippine eLib Project. (n.d.). Philippine eLib. https://www.elib.gov.ph/details.php?uid=199e83c14800dfe59820269a7cad2d6b
- Bulacan holds the 4th provincial conference of public librarians. (n.d.). https://bulacan.gov.ph/bulacan-holds-4th-provincial-conference-of-public-librarians/
- Filipinas Heritage Library | Biblio. (n.d.). https://www.filipinaslibrary.org.ph/biblio/46490/