Dr. Juan Sepulveda Fernando

From Wiki Malolos
Revision as of 12:59, 14 November 2023 by Eliz Terante (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Article by Rancy

(December 27, 1890 - 1972)

Si Dr. Juan Sepulveda Fernando ay ipinanganak sa Bulakan, Bulacan, at siya ay anak nina Francisco S. Fernando at Maria Rodrigo. Si Juan Sepulveda ay nagtapos ng sekondarya sa Bulacan High noong 1909. Siya ang unang Balediktoryan sa unang limang nakapagtapos sa Bulacan High School. Pagkaraan nito ay nag aral siya at nakapag tapos sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Medisina at Pag-oopera noong 1914.

Si Dr. Fernando ay nakapag trabaho sa iba’t ibang larangan ng pampublikong kalusugan. Kabilang dito ay ang pagiging Hepe niya sa Sanitasyon ng Kawanihan ng mga Ospital at Opisyal ng Kalusugan (Chief of Sanitation of the Bureau of Hospitals and District Health Officer) o Punong Doktor sa probinsiya ng Bulacan. Ayon kay Maria Espino Reyes, si Dr. Fernando, ay ang pinaka-unang presidente ng asosasyon para sa Bulacan High School Alumni.

Siya ay ikinasal kay Encarnacion Gatmaitan na siya ding nakapagtapos sa Bulacan High School at kasama sa pangkat 1915. Taong 1972 pumanaw ang doktor na si Juan Sepulveda Fernando.