Instituto de Mujeres de Malolos
Walang boses sa lipunan at ang lugar niya ay pagiging isang may bahay na naglilingkod sa kanyang asawa. Iyan ang naging estado ng mga kababaihan noong panahon ng kastila. Ngunit may isang grupo ng mga kababaihan sa Bulacan na nagsulong ng karapatan ng mga kababaihan, sila ang Women of Malolos.
Sa ilalim ng pamumuno ng mga kastila, ang edukasyon ay isang pribilehiyo at para sa mayayaman lamang. Tanging mga kababaihan na galing lamang sa mayaman na pamilya ang tinuruan na magbasa at magsulat, ngunit ang mga lalaki lamang ang pinapayagan na makapag kolehiyo. Dahil dito, naisip ng mga kababaihan na humiling sa Malolos na pagbigyan sila mag-aral ng Espanyol.
Dalawampu’t isang kababaihan sa Malolos ang humingi ng permiso kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler, sa pamumuno ni Teodoro Sandiko na siya ring sumulat ng liham. Nabalitaan nila na ang bagong Gobernador Heneral Weyler ay bibisita sa Malolos mula sa Bulakan, Bulacan at nagmadali silang gumawa ng sulat at pumirma.
Ang paghingi ng permiso para mag-aral ng kastila ay isang galaw ng mga politiko dahil ayaw ng mga prayle na matuto ang mga katutubo ng kastila sapagkat natatakot sila na baka hindi na nila kakailanganin ang mga prayle.
Noong naaprubahan ni Heneral Weyler ang kahilingan ng mga kababaihan ng Malolos na makapag-aral, isang bahay sa Malolos ay ginawang paaralan. Ngunit hindi ito kagaya sa ibang mga tradisyunal na imbis na sa umaga, sa gabi ginagawa ng mga kababaihan ang pag-aaral. May dalawang teorya kung bakit sa gabi ito ginagawa, una ay posible na isinasabay ng mga kababaihan ang pag-aaral at pagpupulong ng mga repormista; pangalawa ay hindi dahil pinayagan na silang mag-aral ay puwede na nilang iwan ang responsibilidad nila sa tahanan.
Mas nakilala ang mga kababaihan ng Malolos noong sila ay sulatan ni Gat Jose Rizal noong Pebrero 22, 1889 para sila ay purihin sa kanilang layunin na iangat ang mga kababaihan. Hiniling ni Marcelo H. Del Pilar na noo’y nasa Malolos kaya’t nakilala ni Rizal ang mga kababaihang ito dahil sa kanilang adhikain. Ang sulat na ito ay tanging akda ni Rizal na nasa wikang Filipino.
Samantala, ang paaralan na itinayo para sa mga kababaihan ay tumagal lamang ng tatlong buwan. Noong panahon na iyon, marami sa mga pagpupulong ng mga repormista na politiko sa Malolos ay sa gabi ginaganap at ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ito ay kanilang sinugpo. Noong matanggal ang Prayle na iyon, ang sumunod sa kanya ay talagang gumawa ng paraan para maipasara ang paaralan. At nasara iyon dahil si Teodoro Sandiko na syang lider at inspirasyon ay ipapakulong na.
Ngunit hindi rito natatapos ang misyon ng mga kababaihan. Sa pagsiklab ng himagsikan at sa edukasyon, nagbago ang ginampanan ng mga kababaihan ng Malolos. Tinulungan nila noong panahon ng rebolusyon ang mga katipunero sa paraang pangangalap ng pondo, paghahanda ng pagkain at kasuotan, mga banig at kumot na pinapadala sa mga katipunero.
Sa buong paglalakbay ng mga kababaihan ng Malolos, malinaw ang kanilang naging pamana hindi lang pagbukas ng pintuan para sa edukasyon ng kanilang kapwa kababaihan dahil mula sa mga kababaihan na ito ay nakilala ang lakas ng mga kababaihan sa ating lipunan.