Tahanan ni Alberta Uitangcoy
Article by Coleen
Ang bahay ni Alberta Uitangcoy ay isang bahay-na-bato na itinayo noong 1914 ng mag asawang Alberta Uitangcoy at Paulino Santos. Ito ay matatagpuan sa Barangay Sto. Niño, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang Bahay ni Alberta Uitangcoy ay kasalukuyang Museum of the Women of Malolos, ito ay nagtatampok sa mga kontribusyon ng mga kababaihan ng Malolos sa kasaysayan ng ating bansa, ito ay isang bahay na bato na May disenyong arkitektural na laganap noong panahon ng mga Amerikano at nagsisilbing mute witness sa mayamang pamumuhay ng sosyo kultural at pag unlad ng makasaysayang distrito ng Malolos. [1]
Ang Bahay ni Alberta Uitangcoy ay isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng Pilipinas dahil dito nanirahan ang isang babaeng lumaban para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral ng wikang Kastila. Ang petisyon na kanilang isinumite ay naglalayong bigyan ng karapatan ang mga kababaihan na mag-aral ng wikang Kastila upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman at magamit ito sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
Noong Setyembre 15 1898, ang Kongreso ng Malolos ay nagtipon upang bumuo ng isang konstitusyon para sa Unang Republika ng Pilipinas. Sa tahanan ni Alberta Uitangcoy, nagtipon ang mga kababaihan ng Malolos upang magplano at magtalakay ng mga hakbang upang maprotektahan ang kanilang karapatan sa edukasyon at iba pang karapatan ng kababaihan. Sa tulong ng mga kababaihang ito, naisulong ang mga hakbang upang mapalawak ang karapatan ng mga kababaihan sa bansang Pilipinas.[2]
Si Alberta Uitangcoy ay ang isa sa mga kababaihan ng Malolos na nanguna sa paghahain ng petisyon kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler na makapag-aral ng wikang Kastila. Noong Disyembre 12, 1888, isang grupo ng 20 kababaihan mula sa Malolos, Bulacan ang lumahok sa isang mapayapang kilusan para sa mga repormang pang edukasyon sa bansa. Ito ay sina Elisea Tantoco Reyes, Juana Tantoco Reyes, Leoncia Santos Reyes, Olympia San Agustin Reyes, Rufina Reyes, Eugenia Mendoza Tanchangco, Aurea Mendoza Tanchangco, Basilia Villarino Tantoco, Teresa Tiongson Tantoco, Maria Tiongson Tantoco, Anastacia Maclang Tiongson, Basilia Reyes Tiongson, Paz Reyes Tiongson, Aleja Reyes Tiongson, Mercedes Reyes Tiongson, Agapita Reyes Tiongson, Filomena Oliveros Tiongson, Cecilia Oliveros Tiongson, Feliciana Oliveros Tiongson at Alberta Santos Uitangcoy. [3]
Ang Bahay ni Alberta Uitangcoy ay kasalukuyang nasa ilalim ng pagbabagong tatag. Ito ay nagsimula noong taong 2022 at patuloy pa rin hanggang ngayong kasalukuyang taon na ito 2023. Ang Bahay ni Alberta Uitangcoy ay nakakatulong sa atin upang makita o malaman ang mga kontribusyon ng mga kababaihan ng Malolos sa Pilipinas. Ang bahay na ito ay tunay ngang tahanan ng kasaysayan at kabayanihan.
References:
https://thephilippinestoday.com/uitangcoy-santos-house
https://nolisoli.ph/10366/remember-the-contributions-of-women-in-history-at-this-house-turned-museum
https://takebackthetech.net/museum/women-malolos