Casa Tribunal De Malolos

From Wiki Malolos
Revision as of 17:26, 14 November 2023 by Ly D (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Casa Tribunal

Article by Ashley


Ang Casa Tribunal ay isang makasaysayang istruktura sa Malolos. Ito ay itinatag noong taong 1973, ngayo’y matatagpuan sa Pariacillo St., Malolos, Bulacan. Ang tawag sa lugar na ito na “Casa Tribunal” ay nanggaling sa wikang español na nangangahulugang “Bahay Hukuman.” Ang nasabing gusali ay orihinal na ipinatayo bilang bahay ng pamilyang Adriano. Ang istrukturang ito ay yari sa bato at semento at may mga balkonahe na makikita sa harapan.

Ang Casa Tribunal de Malolos ay dating naging pamahalaang bayan ng Malolos nang hatiin ito sa tatlong bayan noong 1859. Ito rin ay nagsilbing tanggapan ng milicia sa pamamahala ni Isidoro Torres. Dito rin sa nasabing gusali na ito naganap ang pagdakip sa mga magigiting ng Malolos sa paratang na nagpapakalap ng supersibong kaisipan noong 1895, at naging panlalawigang piitan noong 1901.

Sa kasalukuyan, ang istruktura ng Casa Tribunal de Malolos ay siyang naabanduna na. Ang gusaling ito ay naging isang pader na lamang. Apat na pursyento na lang ng nasabing gusali ang natitira mula sa dati nitong istruktura, ang mga nasabing balkunahe ay tinakpan na, at ang mga pader na ito’y ngayo’y tinutubuan na ng mga damo.


References:

https://thephilippinestoday.com/casa-tribunal/ https://www.facebook.com/282987632122483/posts/pfbid0LgcEq99Vpwm9XqxR7Jvk894ZLRz6EDA1ziBWDHZxnuUcScgffRZhaWApQ72xmuc1l/?mibextid=cr9u03 https://renz15.wordpress.com/tag/casa-tribunal/