Bienvenido A. Ramos

From Wiki Malolos
Revision as of 02:57, 15 November 2023 by Sammerry Mapa (talk | contribs) (Created page with "Aritcle by Sammerry_F 250px|right|Bienvenido A. Ramos '''Bienvenido A. Ramos''' '''(Enero 15, 1934 - Abril 24, 2012)''' Si Bienvenido A. Ramos ay Ipinanganak sa Atlag, Malolos, Bulacan, noong Enero 15, 1934 kina Dominador L. Ramos at Modesta Avendano. Isang mahusay na Pilipinong manunulat at editor si Bienvenido na kilala rin sa kaniyang palayaw na Ben. Siya ay nag-aral ng sekondarya sa Bulacan High School kung saan nagsimulang m...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Aritcle by Sammerry_F


Bienvenido A. Ramos (Enero 15, 1934 - Abril 24, 2012)

Si Bienvenido A. Ramos ay Ipinanganak sa Atlag, Malolos, Bulacan, noong Enero 15, 1934 kina Dominador L. Ramos at Modesta Avendano. Isang mahusay na Pilipinong manunulat at editor si Bienvenido na kilala rin sa kaniyang palayaw na Ben. Siya ay nag-aral ng sekondarya sa Bulacan High School kung saan nagsimulang mahubog ang kanyang talento at pagka- hilig sa panitikan.

Nag pakita ng kahusayan si Bienvenido sa editoryal na pagsusulat na naging daan ng kaniyang pagkahirang bilang Filipino editor ng The Republic. Siya ay kinilala at ginawaran ng gintong medalya sa pagsulat ng editoryal (Pilipino) sa patimpalak na Secondary Schools Press Conference na ginanap sa Iloilo noong 1950. Sekondaryang estudyante pa lamang si Bienvenido nang inilathala ang kaniyang mga akdang pampanitikan sa Filipino sa mga pambansang magasin na Liwayway, Ilang-ilang, at Sinag-tala. Ang kaniyang mga unang tagumpay ay nakakuha ng malawakang pagkilala at kaniyang naging pundasyon para sa kaniyang mga tagumpay sa hinaharap. Noong 1978, si Bienvenido ay naging editor-in-chief ng Liwayway kung saan walang takot niyang itinaas ang kanyang mga opinyon sa pamamagitan ng pagsulat ng mga artikulong kritikal sa batas Militar (Martial law). Si Bienvenido ay ginawaran ng maraming parangal sa panitikan. Pagkilala sa kanyang kahanga-hangang kontribusyon sa tula, ang titulong “Poet Laureate” ay ibinigay kay Bienvenido noong 1979 mula sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP), National Press Club, at Makata Inkorporada. Siya rin ay pinarangalan ng Catholic Mass Media Award ng literary recognition. Dagdag pa rito, natanggap rin niya ang The Dangal ng Lipi Award noong 1990 at ang Gawad Plaridel Lifetime Achievement Award noong 2005, mga parangal sa pagkilala sa kaniyang makabuluhang kontribusyon sa panitikang Filipino. Ilan lang iyan sa mga parangal na binigay kay Bienvenido, halos lahat ng parangal sa larangan ng pagsusulat ay kaniyang nakamit. Nakapagsulat siya ng kahanga-hangang hanay ng tatlong daang maikling kwento, labing-dalawang prosa na nobela, dalawang daang pocketbook na nobela, limang daang tula, at isang daang komposisyon ng balagtasan.

Ang kahanga-hangang Bienvenido A. Ramos ay pumanaw noong Abril 24, 2012, sa edad na pitumpu't walong taong gulang. Bago siya namatay, nag sambit siya ng pag-amin sa sarili na nagawa na niya ang kanyang layunin sa kanyang hiram na buhay. Hindi mapag-aalinlanganan na ang mga sinulat ni Bienvenido ay malaking impluwensya at may kahulugan ang mga pangaral na kaniyang nakamit. Tiyak na kakaiba ang naiwang marka ni Bienvenido A. Ramos sa panitikan ng Pilipinas.


References