Simbahan ng Sumapa: Isang Paglalakbay Mula sa Ugat ng mga Amerikanong Misyonero Patungo sa Pamumuno ng mga Pilipino Ngayon
Article by Jamaica
Ang Sumapa Christian Church (SCC) ay isang simbahang Kristiyano na unang ipinatayo ng mga Amerikanong misyonero noong 1958 na pinangunahan ni Ginoo at Ginang John Housman, upang ipaabot sa komunidad ng Sumapang Matanda at Sumapang Bata ang kanilang simbahan, at para na rin ibahagi ang kanilang kaalaman tungkol sa pagmamahal ng Diyos. Sa pamamagitan ng impluwensya ng pelikula, pagbabasa, pakikinig, at paniniwala. Maraming pumunta upang magkaroon ng kaalaman sa kanilang tagapagligtas.
Pagpunta ni Huber Adkins sa Sumapa, 1959
Noong 1959, dumako si Ginoong Huber Adkins at ang kanyang pamilya sa Sumapa upang ibahagi ito sa iba’t ibang komunidad sa; Poblacion Plaridel, Bulihan Plaridel, and Pandukot Pulilan kasama sina Tata Binong, Tata Celo, Tata Pider, Cila Magpayo, Helen Santiago, Baby Lorenzo, kasama ang kapatirang si Paul Mortiz at Vivencio Campahinay na estudyante noon sa FEBIAS College of Bible.
Ang Unang Simbahan ng Sumapa, 1960
Noong 1960, ang unang simbahan ng Sumapa ay gawa sa kahoy at ang disenyo nito ay parang isang bahay pa. Maraming dumalo rito at nagsimulang palaguin pa mismo ang kanilang establisyemento, dito nila hinubog ang kanilang paniniwala at samahan kung saan pinalalim pa nito ang koneksyon sa bawat isa.
Pagsasalin ng mga Lider, 1963, 1968
Noong 1963, nang magkaroon ng pagnanais para sa misyon ang SCC ito ay humantong sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pangkat at komunidad sa tulong ng mga Amerikanong misyonero. Bagamat noong 1968 ay umalis na ang mga Amerikanong misyonero, sa kabila ng hamon at pagbabagong ito, patuloy pa rin ang mithiin na makapag-aral ng ebanghelyo na isinasagawa ng simbahan na ngayon ay pinamumunuan na ng Pilipinong lider.
Pagkilala sa Simbahan, 1972
Ang Sumapa Christian Church ay kinilala ng Christ Mission in the Philippines noong 1972. Patuloy ang pagnanais sa misyon at pagsunod sa tawag ng Diyos, ito ay pinaiigting ng kanilang hangarin na maibahagi pa at patuloy lumago ito. Ang kongregasyong Pilipino ng SCC ay naglingkod habang nagsisimula pa lamang sila sa bahay-palapag kasama ang kapatirang Tuktukan, Francess Calumpit, Paombong, Plaridel, San Miguel Bulacan, at Balaybuaya sa Pangasinan.
Pagtatatag ng Koro ng Simbahan, 1975
Bukod sa pagtatag ng ministerio ng Kabataan sa SCC, itinatag din ang korong pang musika noong 1975. Ito ay pinamumunuan ngayon ni Ginoong Arnel Hernandez. Ang korong pang musika ng SCC ay nagtaglay ng makabuluhang palabas sa iba’t ibang kaganapan sa kapwa nila kapatirang simbahan. Ang koro ay siyang naiimbitahan upang kumanta para sa kapwa nila kapatirang simbahan kapag may isang pagtitipon o pagdiriwang.
Dalawa namang kabataan ang pinagkatiwalaan ng SCC bilang maging isang regular na manggagawa, sina Kapatid Ven Magpayo at Kapatid Celso Espinola. At sa kasalukuyan, si Kapatid Ronaldo Magpayo ang naglilingkod bilang isang regular na manggagawa ng simbahan at pastor ng SCC.
Ang Pagpapatayo ng Bagong Simbahan, 1958, 1993, 2003, 2012
Noong 1993, nakabili ng lote ang SCC kung saan itinayo ang kahoy na simbahan. Nagpatayo rin ito ng Haniel Academy at nabigyan ng edukasyon ang maraming kabataan sa komunidad mula kindergarten hanggang elementarya. Ngunit taong 2012, ito rin ay napagpasyahan na ipasara dahil naniniwala sila na may iba pang landas para sa kanila ang Panginoon dito. Ika-27 ng Abril 2003, ito ay nairehistro sa Securities and Exchange commissions.
Mula 1958 hanggang ngayon, patuloy pa ring lumalago ang simbahan ito. Nagsimula sa isang maliit na komunidad hanggang sa lumaki at dumami ang dumalo rito.
Misyon at Bisyon
Ang SCC ay mayroong bisyon at misyon na pinanghahawakan.
Misyon: To make every believer a disciple
Bisyon: A loving community of the word, passionately reaching the world
Proyekto at Ministerio, 2020-2023
Sa kasagsagan ng pandemya taong 2020, ang SCC ay nagsawa ng isang proyekto na pantawid-kahirapan ng pamayanan (Community Pantry) para sa komunidad ng Sumapa. Ito ay nagsilbing tulong sa ibang naninirahan doon na nahirapan at sinubok ng pandemya. Ang nalikom na pinansyal sa simbahan at sa pamamagitan din ng mga isponsor, naitawid nang maayos ang proyekto at maraming nakaabot ng tulong sa kababayan ng taga Sumapa.
Sa kasalukuyang panahon naman ang simbahan ay binubuo ng iba’t ibang ministerio na naghuhulma sa bawat miyembro na ipakita ang kanilang talento at gumaling pa sa larangang ito. Ito rin ang nagiging daan upang mas makilala pa ang kapatiran ng SCC at lumalim ang relasyon at pananaw sa paniniwala nito.
Tukuyan ng Musika, Teatro, at Sayaw
Ang Tukuyan ng Musika (Worship Team) ay isang ministerio ng SCC kung saan ito ang namamahala sa pagtugtog at pag-awit ng kanta na kanilang isinasagawa tuwing Linggo. Sa mga boses at tunog ng instrumento, sila ang naghahatid ng panimula upang dumaloy ang kanilang ganapin at sila rin ang nagwawakas nito sa isa pang sesyon ng pagkanta. Samahang Teatro at Tukuyang Sayaw ng Selah, ito naman ay naglilinang na ipamahagi ang kanilang mensahe tungo sa pag-arte at pagsasayaw. Karamihan sa mga miyembro nito ay mga kabataan na handang magtanghal sa harap ng maraming tao ang kanilang talento. Tukuyang Tagaasikaso, ito ang namamahala sa pag-asikaso sa mga dumadalo sa simbahan maging bisita o hindi. Ito rin ang namamahala sa pamimigay ng pwesto sa kanilang upuan, bumabati sa bagong dating, ang tagaayos ng mga pagkain, kamay at paa kapag may sesyon sa pagkuha ng handog sa simbahan. Ang paglilingkod at pag-aasikaso sa kapwa nila kapatiran ang siyang trabaho ng ministeriong ito, sa ngiti at kamusta ng mga tagaasikaso, mas napapaigting pa nito ang samahan sa simbahan. Departamento ng Live Streaming, kadugtong nito ang departamento ng kamara dahil sa larawan at bidyong kinukuha ay sila namang taga-ayos nito upang ipakita sa media. Pati na rin ang pag-aayos sa live streaming, pag-aayos ng tunog, boses, at kalidad ng bidyo ay silang nagpaplano at nag-aayos nito. May mga ministerio naman para sa kababaihan at kalalakihan kung saan nagbabahagi sila ng kanilang karanasan, pananaw, at kaalaman sa bawat isa. Dito nila ipinagtitibay ang kanilang paniniwala bagamat sila ay nag-aaral patungkol sa bibliya hindi pa rin nawawala sa kanilang usapin ang personal na buhay.
Mga Opisyal na Tagapangasiwa, 2023
Konseho ng mga Tagapamahala
Abigail S. Aramburo Norminda B. Calayag
Estelita D.S. Cuevas
Mark Jim T. Catacutan
Marvin John T. Catacutan
Noel Angelo H. Magpayo
Alejandro R. Pagtalunan
Nakatatandang Tagapamahala
Alejandro R. Pagtalunan (Taga-pangulo)
Mark Jim T. Catacutan
Ronaldo H. Magpayo (Regular na Manggagawa/Pastor)
Noel Angelo H. Magpayo
Taga-pangasiwa ng Kabataan
Dankarl D.L. Magpayo
Kalihim ng Simbahan
Abigail S. Aramburo (Ella)
Diakono
Emmanuel R. Santos
Ephraim N. Aramburo
References
Aramburo, A.
https://www.brethrentraining.org/speakers-2/
External Links
https://bulacanchurches.weebly.com/malolos-city.html
https://local.churchofjesuschrist.org
https://www.dnb.com/business-directory/company-information.religious_organizations.ph.html
https://zaubee.com/biz/ccf-malolos-0ne6qaz5
https://zaubee.com/biz/matimbo-christian-church-2n4olwvh