Olympia San Agustin Reyes (Women of Malolos)
Si Olympia San Agustin Reyes ay ipinanganak noong Hunyo 12, 1876, kina Epiridion de los Reyes at Feliciana T. San Agustin. Siya ay bininyagan noong Hunyo 14, 1876 ni Padre Juan Gatmaytan, kamag-anak ni Marcelo H. del Pilar. Hindi naiwasang madamay ni Olympia sa pulitikal na sigalot sa Malolos noong 1880s at 1890s. Aktibo siya sa pangkat na lumalaban sa mga prayle na pinamumunuan ni Manuel Crisostomo, at unti-unti nilang napabagsak ang kapangyarihan at katibayan ng prayle ng Malolos. Si Olympia ang pinakabata sa mga Kababaihan ng Malolos. Sa murang edad na 12 taong gulang, pinirmahan niya ang sulat para kay Valeriano Weyler ukol sa paaralang nais nilang itayo. Noong 1910, nagpakasal si Olympia kay Guillermo Buendia sa edad 19. Nagkaroon ang mag-asawa ng 9 na anak, at labis siyang naging abala sa pag-aalaga sa kanila. Dahil sa kanyang mga tungkulin sa tahanan, hindi na siya nakasama sa mga aktibidad sa pulitika. Namatay si Olympia noong Marso 13, 1940 sa edad na 34.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Olympia San Agustin. In The Women of Malolos (pp. 268-270). Ateneo de Manila University Press.