Alberta Santos Uitangcoy (Women of Malolos)

From Wiki Malolos
Revision as of 17:04, 5 December 2023 by Shyllie (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Shyllie

Si Alberta Santos Uitangcoy ay ipinanganak noong Nobyembre 20, 1865, kina Jose Uitangcoy na isang mestizong-sangley mula sa Binondo, at Antonia Santos ng Malolos. Nakatapos siya ng elementarya sa lokal na escuela de niñas at kinalauna’y pinadala ng kaniyang mga magulang sa Colegio de la Concordia sa Maynila. Doon ay inaral niya ang Doktrina Kristiyana, pagbabasa, pagsusulat, pananahi, at ang wikang Español. Si Alberta ay isa mga pinuno ng Kababaihan ng Malolos. Siya ang unang pumirma sa sulat na nanghihimok kay Gobernador-Heneral Weyler na pahintulutan silang magtayo ng paaralan kung saan maaaring mag-aral ang mga kababaihan ng wikang Español. Hindi tiyak ang ginawa ng mga Santos sa paghihimagsik laban sa mga Español, ngunit marahil ay sinuportahan nila ito. Pinakilala ni Lino Santos Reyes ang mga pinsan niyang si Alberta at Paulino Reyes sa isa’t-isa, at nagpakasal ang dalawa noong Hulyo 13, 1889. Sa labanang Pilipino-Amerikano naman ay patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga sugatan kahit pamilyado na siya. Lumahok din si Alberta sa lokal na Asociacion Feminista de Filipinas (AFF) kahit 7 na ang kaniyang mga anak. Lahat ng kaniyang mga anak, bukod kina Salome at Jose, ay nakatapos ng kolehiyo. Kilala rin siya sa mga resipi na ipinasa niya sa ibang mga kababaihan sa Malolos, na naging tanyag sa kanilang bayan at maging sa ibang lugar. Binawian ng buhay si Alberta noong Hunyo 1, 1953.

Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson

References

Tiongson, N. G. (2004). Alberta Santos Uitangcoy. In The Women of Malolos (pp. 392–400). essay, Ateneo de Manila University Press.