Rafael Canlapan
"Si P. Rafael Canlapan ay isang tunay na makabayan. Naging koadhutor sa parokya ng Malulos mula noong 1874 hanggang 1892, naging katulong sa pagpapalaganap ng mga aral ni Plaridel at inilipat sa Imus, Kabite, noong 1892 dahil sa pagiging kalaban ng mga Kastila."[1]
Nakatala si P. Canlapan bilang isa sa mga pari sa Malulos sa aklat na Historia de la Santa Iglesia Metropolitana de Filipinas noong 1876. [2]
"A master of Tagalog oratory, he (M. H. Del Pilar) would espouse nationalist and antifriar ideas wherever he could gather a crowd — whether it be at a barrio baptismal party or in the cockpit he ran with the Filipino coadjutor of Malolos, Father Rafael Canlapan."[3]
Noong Oktubre 10, 1888, sa isang korespondesya, kabilang si P. Canlapan sa mga inilista na nangungunang mamamayan ng Malulos na kasama ni M. H. Del Pilar na nagpapakalat umano ng mga ideyang laban sa relihiyon at mga Espanyol. Inilarawan siyang kamag-anak o matalik na kaibigan ni Del Pilar. [4] Sa korespondesiyang kumpidensyal na ipinahatid ni P. Felipe Garcia (kura ng Malolos) noong Oktubre 14, 1888, tinukoy niya na isinasagawa ang mga kasuspesuspetyang lihim na pagpupulong sa tahanan ni P. Canlapan. Minsan umano ay isinasagawa ang mga pulong sa disoras ng gabi.[5]