Berdeng Ilog
Berdeng Ilog
Sa malolos bulacan matatagpuan ang Brgy.Tikay, dito rin matatagpuan ang mga taong naninirahan sa looban na kung tawagin ay River side. Ang mga bahay mula sa looban at tabi tabi, halo halo ang mga tao may mga taong may kaya at may mga tao na naman ng kapos palad.
Noong unang panahon ang tawag dati sa Sapa ng Tikay ay Tabing ilog Batis ayon sa aking Lolo Tonyo, ang sapa dati sa tikay ay malinis at iilan pa lamang ang naninirahan dito.
Ang ilog noon sa tikay ay napaka linis kung saan makikita mo pa ang mga bato nito sa ilalim at pwedeng maglaba, pangligo at meron din mga isdang namumuhay sa ilog tulad ng mga bangus, tilapia, alimango, shell at iba pang malinis na isda ay hinuhuli, kinakain at binebenta sa labasan.
Ngunit dumating ang araw na dinaanan ng mga ulan, lindol at bagyo ang Brgy.Tikay noon na nagbunga ang pagkarumi ng ilog. Habang lumilipas ang araw dumadami rin ang mga taong lumilipat at naninirahan sa tabing ilog noon na nagsisimula ng pagkasira ng mga puno't halaman na mga nakatanim.Mga lupang pinataasan at mga sementong bahay na pinatayo, ang mga dating isda tulad ng mga tilapia, bangus at iba pa ay namatay dahil sa pagkarumi ng Ilog sapa noon.
Lumilipas ang mga taon ang dating malinis na ilog na kung tawagin Tabing Ilog Batis ay naging madumi at naging kulay berde dahil sa dumi at mga lumot na nabuo sa paglipas ng mga panahon, 1995 ay nagsimulang maging itim ang sapa noon tuwing mababaw ang tubig na kung saan makikita ang mga basura na tinapon, ang dating mga bato na malinis ay naging lumot at putik na sa ilalim kasama ang mga basura na tinapon, nag umpisa na rin dumihan ng mga tao ang sapa na nagbunga ng nangangamoy nito tuwing walang tubig ang sapa, tumagal ang mga panahon umusbong din ang mga isdang namumuhay sa maruming tubig tulad ng janitor fish, palus, suso, butete at iba pa na dumudumi sa sapa.
At dahil nga naging madumi ang dating Tabing Ilog Batis nagsimulang tawagin ng mga naninirahan dito na alisin ang pangalan at tawagin na lang itong sapa dahil ito ay kulay berde at marumi na.