Agapita Reyes Tiongson (Women of Malolos)

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Zion A

Si Agapita Reyes Tiongson o Pitang ay ipinanganak noong 1872, kina Antonio M. Tiongson at Juliana de los Reyes na dalawang mestisong sangley ng Pariancillo, Malolos. Siya ang bunsong anak ng mag-asawa, at kapatid ng 3 pang Kababaihan ng Malolos na sina Basilia, Paz, Aleja, at Mercedes. Gaya ng ibang Kababaihan ng Malolos, maaring tinuruan ng pribadong guro si Agapita noong siya’y bata pa. Kinalaunan ay nag-aral siya sa Colegio de Santa Isabel sa Maynila. Gaya ng kaniyang kapatid na si Mercedes, kaya rin niyang magsalita, magsulat at magbasa ng Español, ngunit madalas siyang sumagot sa Tagalog kapag kinausap gamit ang banyagang wika. Nais niya na pagtayuan ng ospital ang karamihan sa mga lupain ng kaniyang pamilya. Tatawagin sana itong “Hospital of Agapita Tiongson and Sister” ngunit hindi na ito napatayo. Noong 1915 ay ikinasal siya kay Francisco Batungbakal na tubong Pandacan at residente ng Balanga, Bataan. Namatay si Agapita Tiongson mula sa isang diabetic coma sa edad na 65. Si Teodoro Sandiko ay hinirang na tagapagpatupad ng kaniyang kalooban, at ang tagapagtatag ng korporasyon na magdedesisyon kung kailan at saan sa Malolos itatayo ang ospital na pinapangarap niya. Hanggang ngayon ay hindi pa naipapatayo ang ospital ni Agapita, pagkatapos ng pagkamatay ni Sandiko noong 1939 dahil hindi pa nabuo ang korporasyon na mamamahala sana rito.

Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson

References

Tiongson, N. G. (2004). Agapita Reyes Tiongson. In The Women of Malolos (pp. 364–371). Ateneo de Manila University Press.