Aleja Reyes Tiongson (Women of Malolos)
Si Aleja Reyes Tiongson o “Ejang” ay ipinanganak noong 1865, kina Juliana Reyes at Antonio M. Tiongson na gobernadorcillo ng Malolos. Ang kanyang ama ay repormista, kasama sina Marcelo H. Del Pilar, Manuel Crisostomo at kanyang mga kamag-anak. Si Ejang ay isa sa mga babaeng kumuha ng mga klase ni Teodoro Sandiko na nagtuturo ng wikang Español noong 1886. Bahagi rin siya ng 20 Kababaihan ng Malolos na nagharap ng liham kay Gobernador-Heneral Weyler upang humingi ng pahintulot na magtayo ng paaralang pambabae na magtuturo ng Wikang Español. Si Aleja ay isa sa gumamit ng unang pangalan lamang sa paglagda sa liham para sa Gobernador-Heneral. Sa kabutihang palad ay natukoy ni Epifanio de los Santos na si Aleja Reyes Tiongson nga ang Aleja na lumagda sa liham. Hindi inaprubahan ni Weyler ang sulat dahil kay Padre Felipe Garcia, ngunit naaprubahan din dahil sa pagpunta ng mga Kababaihan sa Maynila. Sumama si Ejang sa mga klase kasama ang kanyang mga kapatid na babae, maliban kay Paz na nagkasakit at namatay. Ipinapalagay na si Ejang ay namatay noong 1890s.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Aleja Reyes Tiongson. In The Women of Malolos (pp. 354-355). Ateneo de Manila University Press.