Alfonso T. Calalang
Article by Eliz_F
Alfonso T. Calalang
(Agosto 1, 1899 - 1970)
Si Alfonso T. Calalang ay ipinanganak noong Agosto 1, 1899, sa Paniqui, Tarlac, sa mag-asawang Casimiro Calalang at Tomasa Tolentino. Siya ay isang kilalang Pilipinong bangkero na gumawa ng malaking kontribusyon sa sektor ng pagbabangko. Natapos niya ang kanyang pagtatapos sa Bulacan High School noong 1918. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo sa unibersidad ng pilipinas noong 1921.
Si Calalang ay nagsilbi bilang presidente ng Security Bank at Trust Company, ang Philippine Banking Corporation, at siya rin ang may-ari ng Bank of Asia. Ang kahanga-hangang karera ni Calang ay nagbunsod sa kanya upang maging ikatlong gobernador ng Bangko Sentral, isang posisyong hawak niya mula 1968 hanggang sa siya ay nagbitiw noong 1970. Sa panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos, hawak niya ang posisyon ng Tagapangulo ng National Economic Council at isa ring ekonomista.
Siya ay may asawa na nagngangalang Virginia Tenco Tionson at may dalawa silang anak. Sa kasamaang palad, namatay siya pagkatapos niyang magbitiw noong 1970, ngunit ang kanyang mga kontribusyon ay malaking tulong sa pag-unlad at paglago ng industriya ng pagbabangko sa Pilipinas.
References
- https://www.bsp.gov.ph/Pages/AboutTheBank/WhoWeAre/OrganizationAndGovernance/TheGovernor/PastGovernors.aspx
- https://philippinediaryproject.wordpress.com/tag/alfonso-calalang/
- https://pre.econ.upd.edu.ph/index.php/pre/article/viewFile/813/122.
- https://www.geni.com/people/Alfonso-Calalang/6000000062579243974