Alfredo Tolentino Aldaba

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by Sammerry_F


Alfredo Tolentino Aldaba (Oktubre 6, 1921 - 2006)

Si Alfredo Tolentino Aldaba ay pinanganak sa Sabitan, Malolos, Bulacan, noong Oktubre 6, 1921, kina Nicolas Enriquez Aldaba and Narcisa Estrella Tolentino. Nagtapos siya ng elementarya sa Malolos Elementary School noong 1934 at sekondaryang edukasyon sa Bulacan High School noong 1938. Siya ay nagtapos sa kolehiyo ng Civil Engineering sa Mapua Institute of Technology noong 1942.

Si Aldaba ang inhinyero sa likod ng muling pagtatayo ng Casa Real at ng Immaculate Conception Seminary. Aktibo rin siya sa mga socio-civic na organisasyon tulad ng Knights of Columbus kung saan siya ay isang Grand Knight. Tumanggap siya ng Papal Award noong 1975 at nakatanggap pa ng iba't ibang pagkilala mula sa gobyerno at non-government organizations.

Inorganisa ni Aldaba ang Sto. Rosario Credit Cooperative at itinatag ang Handugan Foundation. Kagaya ng kanyang tiyuhin na si Guillermo Tolentino, naglaan siya ng oras upang mag-ambag sa sining sa pamamagitan ng kanyang mga guhit at eskultura. Siya ay ikinasal sa kapwa BHS at MIT alumnus, na si Arch. Beatriz Tiongson. Si Alfredo Tolentino Aldaba ay pumanaw sa taong 2006.


External Links