Basilia Villariño Tantoco (Women of Malolos)
Si Si Basilia Villariño Tantoco ay ipinanganak noong June 11, 1865 kina Nina Gabino Tantoco Sr. at ang kaniyang pangalawang asawa na si Andrea Villariño. Ang pamilya Tantoco ay mayaman dahil sila’y mga negosyante na nagmamay-ari ng rural at urban na lupa. Si Basilia ay edukada, may pribadong taga-turo, at nakapag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Kaya rin niyang magsulat, magbasa, at magsalita ng Español. Noong 1880, nilabanan niya ang tangkang panghahalay sa kaniya ni Prayle Juan Manuel Tombo sa kumbento ng Malolos. Bilang isa sa 20 Kababaihan ng Malolos, si Basilia ay naging tagapaghatid ng balita sa Katipunan sa pamamagitan ng pagtatago ng pera o dokumento sa kaniyang saya. Isa rin siya sa mga unang miyembro na nagtatag ng Red Cross at pinamunuan ang ikatlong komisyon. Miyembro rin siya ng Asociacion Femenista de Filipinas ng Malolos. Nagtayo rin si Basilia ng paaralan, ang Escuela Catolica de Malolos. Siya ay namatay noong Setyembre 19, 1925 sa edad na 60.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Basilia Villariño Tantoco. In The Women of Malolos (pp. 317-326). Ateneo de Manila University Press.