Beatriz Tiongson Aldaba
Article by Rancy_D
Beatriz Tiongson Aldaba
(Mayo 18, 1919 - 2013)
Si Beatriz Tiongson Aldaba ay isa sa mga unang babae sa Pilipinas na nabigyan ng lisensya sa larangan ng arkitekto. Siya ay anak nina Vicente Tantoco Tiongson at Salud Tanchangco Reyes at ipinanganak noong May 18, 1919, sa Canalate, Malolos, Bulacan. Si Beatriz Tiongson Aldaba ay nakapag tapos ng Pangunahing Edukasyon sa Malolos Elementary School noong 1932 at nakapagtapos naman ng Sekondaryang Edukasyon sa Bulacan High School noong 1936. Pagkatapos nito, Siya ay nakapag tapos ng kursong arkitektura sa Mapua Institute of Technology noong 1940.
Matapos niyang maipasa ang Architecture Board Exam, siya ay naging isa sa mga kaunakunahang babae na nakakuha ng opisiyal na lisensya sa larangan ng arkitektura.Si Beatriz ay nag silbi bilang arkitekto sa City Government of Manila. Marami siyang nadisenyong istraktuka na nagagamit parin ng mga Pilipino sa kasalukuyan gaya na lamang ng mga paaralan.
Sa kaniyang pag retiro, Siya ay nagkaroon ng aktibong partisipasyon sa mga organisasyon ng mga simbahan. Ikinasal siya kay Engr. Alfredo Aldaba at sila ay Nagkaroon ng apat na anak. Isa rin ang Asawa ni Beatriz Tiongson Aldaba sa mga naka pagtapos sa Bulacan High School noong 1938. Pumanaw ang arkitekto na si Beatriz Tiongson Aldaba noong 2013.
References
- Beatriz Tiongson aldaba https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Beatriz_Tiongson_Aldaba.jpg