Bungahan

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by Jhapet Leou

Kasaysayan

Bago pa man naging ganap na nayon noong 1928 ang tinatawag ngayon na barangay ng Bungahan, ito muna ay naging isang “sitio” at bahagi lamang ng barangay ng Ligas. Noong 1920, sa pamumuno nina G. Cayetano Domingo at G. Julian Domingo naitayo ang kapilya at opsiyal na naging barrio ang Bungahan.

Noong panahon ng mga kastila, ang pamilya ng mga Agustin at Santiago ang pinakakilalang pamilya sa barrio ng Bungahan, at ang ilan sa kanila ay naging “cabesa” pa nito.

Ang mga kilalang “cabesas” noon ay ang mga sumusunod:

  • G. Lucas Agustin
  • G. Fidelino Agustin
  • G. Pedro Agustin
  • G. Marcelo Agustin
  • G. Emiterio Domingo
  • G. Julian Domingo
  • G. Gerardo Domingo
  • G. Domingo Domingo
  • G. Inocencio Cruz
  • G. Patricio Santiago
  • G. Pedro Santiago - mula 1900 hanggang 1901
  • G. Julian Domingo
  • G. Cayetano Domingo
  • G. Eusebio Santiago
  • G. Jose Santiago
  • G. Vicente Eugenio

Kasalukuyan

Ayon sa 2020 Census, ang populasyon ng barangay ng Bungahan ay binubuo ng 3,025. Sa kasalukuyan, ito ay pinamumunuan ni Hon. Jojo Dayao bilang bagong naluklok na kapitan ng barangay sa katatapos lamang na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

External Links

https://nlpdl.nlp.gov.ph/HD01/p10/m10/b7/bs/datejpg.htm https://www.philatlas.com/luzon/r03/bulacan/malolos/bungahan.html https://maloloscity.gov.ph/bungahan-2/