Canalate

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by Lexine

Kasaysayan

Pagkatapos maipalaganap ng mga Kastilang misyonaryo ang kristyanismo sa Pampanga, dumako sila sa Bulacan upang ipagpatuloy ang nasimulan. Si Fray Diego Ordoñez de Vivar ay naisulat na unang bumuo ng pamayanang kristyano. Mula sa Calumpit, si Fray Diego Ordoñez de Vivar kasama ang iba pang mga Kastila ay nakarating sa Bayan ng Kanalate noong 1580 kung saan ay nagtayo sila ng isang maliit kapilya. Pagkatapos sa Kanalate ay nakarating sila sa Kaingin at bumuo ng mas malaking kapilya.

Noong 1671 pagkatapos mabuo ang tulay na nagkokonekta sa Atlag, Mambog, Santiago at Liyang, naitatag ang parokya kasama si Fr. Francisco Lopez bilang unang Kura, ang nasabing parokya ay nabuo sa ilalim ng advocation of Our Lady of Immaculate Conception. Sa parehong taon din naitatag ang bayan ng Malolos.

Bayan ng Canalate

Ang opisyal na pangalan ng bario ay Canalate na hango sa salitang “canal at late” dahil doon tinawag na “Canalate” ng mga tao ang baryo na kilala sa maraming kanal at lugar latian nito.

Ang unang mga pamilya na tumira sa lugar ay ang pamilya ng mga Quintin Reyes, Agustin Isidro, Aurea Jacinto, Vicente Reyes, Anacleto Cajanding, Victor Bautista, Joaquin Santos, Margarita Reyes at Gabriel Santos.

Samantalang ang mga Tenientes Del Barrio na namuna sa baryo ay sina:

  • Raymundo Isidro
  • Rosendo Bautista
  • Victor Bautista
  • Tomas Reyes
  • Jose Cruz
  • Francisco Mendoza

Mga Paniniwala

  • Pinagdiriwang ang kasal sa baryo tuwing bilog ang buwan sa paniniwalang maiiwasan ang mga malas na darating sa bagong mag asawa.
  • Sa binyag naman ay kumukuha ng Ninang at Ninong ang mga magulang na naniniwalang makukuha ng kanilang anak ang talino at yaman ng kanilang piniling Ninong at Ninang.
  • Ang mga bata ay gumigising ng maaga sa paniniwalang darating ang biyaya at swerte sa kanila na ipinamimigay lamang sa umaga.
  • Ang mga matatanda sa baryo ay naniniwalang kung may alitaptap na pumasok sa loob ng mga bahay ay tyak na may ulan sa susunod na araw, pinaniniwalaan din na kapag ang isang babae ang nanganak ng tatlong batang babae ay may magandang kinabukasan ang mag asawa. Pinaniniwalaan din na ang itim na paro paro sa bahay tuwing gabi ay ang mga pumanaw na kamag anak ng pamilya.
  • Ang mga sumikat na mga kanta at libangan sa baryo ay ang mga kundiman at senakulo.

Kasalukuyan

Ayon sa 2020 Census, bumagsak ang populasyon ng baranggay ng 492 katao mula 4,124 noong 2015.


References

http://www.geocities.ws/dioecesismalolosinus/History1.htmlfbclid=IwAR2e02sD4t4web9NrwdzV2piJBk-Ol5YX4YwOAqxoT8rkcJZzGE-Fe4VywM

https://www.philatlas.com/luzon/r03/bulacan/malolos/canalate.html