Casa Real De Malolos

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
Casa Real
Casa Real (side).jpg

Article by Lyra

Isa sa mga pangunahing istruktura sa bayan ng Malolos sa lalawigan ng Bulacan ay ang Casa Real. Tinatawag din itong “Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas”. Ito ay ipinatayo bilang “First Government of Structure” noong 1580 at tinagurian ding Casa Tribunal, Ayuntamiento, at Casa Presidencia Municipal. Noong unang panahon ng Unang Republika ng Pilipinas ay nagsilbi ito bilang Pambansang Palimbagan ng pamahalaan ng rebolusyonaryo, kung saan naimprenta ang Saligang Batas ng 1899, La Independencia, El Heraldo De La Revolución, at ang Kalayaan at Kaibigan ng Bayan. [1][2]


Ang Casa Real ay unang ipinatayo na yari sa nipa at kahoy noong ika-16 daang taon at siya ring naging yari sa bato noong 1767. Muli itong naipasa-ayos na gawa sa ladrilyo at mortar noong 1786 at muling ipinatayo noong taong 1843. Sa muling pagsasaayos ng nasabing istruktura ay mas naging tanyag na tourist spot sa kadahilanan na marami ang nakaimprenta dito tulad lamang ng Unang Yugto ng Himagsikan at The Kon Leche at maging mga orihinal na editoryal na gawa ng mga Espanyol.


Makikita rin sa lugar na ito ang iba’t ibang istorya ng Pilipinas katulad lamang ng “Pagbubuo ng Bayan”, mga termino ng mga namayapang presidente ng bansa, Saligang Batas ng 1935, Commonwealth, “Instrument of Surrender of the Japanese and Japanese Controlled Armed Forces”. Maging ang mga sandatang ginamit noong panahon ng Espanyol katulad ng machine gun at katana.


Malaki ang ginampanan ng Casa Real sa Republika ng Pilipinas. Ang nasabing istruktura ay ngayon ay nasa museo na, nasa pangangalaga ng National Historical Institute na nagsisilbing imbakan ng mga umiiral pa rin na memorabilia. Isa sa mga permanenteng tanghal ng Casa Real Shrine ay ang “Brave Women of Malolos”, isang tula na isinulat ni Dr. Rizal bilang pagkilala at parangal sa pagpapakita ng katapangan sa pagtayo ng isang paaralan laban sa pagtutol ng mga prayle. [3]



External Links: