Dr. Elpidio “Elpi” I. Valencia
Article by Carlos_A
Dr. Elpidio “Elpi” I. Valencia (Setyembre 2, 1913 - Hunyo 15, 2013)
Isinilang si Dr. Valecia noong Setyembre 2, 1913. Si Dr. Valencia ay nagtapos ng sekondarya sa Bulacan High School noong 1931. Siya ay naging isang Fulbright Scholar at isang Leader's Grantee sa Atomic Medicine sa Sloan Kettering Memorial Hospital sa New York. Nakuha niya ang kanyang degree sa Medisina mula sa UST. Si Dr. Valencia ay isang pribadong practitioner sa Radiology bago siya hinirang na Kalihim ng Kalusugan ni Pres. Carlos P. Garcia, at sa kanyang kabataan, nagsilbi rin siya kay Pres. Sergio Osmena bilang manggagamot at military aide-de-camp.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan na tumagal hanggang Disyembre taon ng 1961, siya ay nakatuon bukod sa iba pang mga bagay, sa mga grupo ng etnikong minorya sa Pilipinas. Nagtayo siya ng isang proyekto upang mabigyan ng modernong gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga naturang grupo sa malalayong lugar. Naging direktor din siya ng Manila Tumor Clinic at siya rin ay tagapangulo o presidente ng iba't ibang organisasyong medikal. Kinatawan din niya ang Pilipinas sa iba't ibang internasyonal at dayuhang organisasyon tulad ng World Health Organization (WHO), NY Academy of Sciences, US Public Health Service, US Medical Corps, at taunang Kongreso ng Royal Society of Public Health sa England.
Nakatanggap siya ng ilang pagkilala tulad ng pinakamataas na parangal para sa mga serbisyong medikal at ospital na ibinigay ng Portugal. Dagdag pa dito, siya ay naging Knight Commander ng Rizal, siya rin ay co-founder, treasurer at vice president ng Philippine Cancer Society at naging chairman ng UNICEF’s Program para sa Pilipinas at ang DOH’s Project para sa Tribal Minorities. Pagkatapos niyang maging isang Knight ng St. Gregory the Great, ang kanyang ranggo ay itinaas sa Commander ng Vatican. Siya ay pumanaw noong Hunyo 15, 2013.
References
- https://www.peoplepill.com/i/elpidio-valencia/
- https://www.philstar.com/opinion/2009/09/02/501149/elpi-valencia-96-achiever-french-award-harper
- https://www.chanrobles.com/scdecisions/jurisprudence1963/aug1963/gr_l-20864_1963.php
- http://www.filipinogenealogy.com/2017/03/philippine-family-trees-series-3.html?m=1
- https://www.pressreader.com/philippines/the-philippine-star/20121125/283326109642118
- https://www.nl.m.wikipedia.org/wiki/Elpidio_Valencia