Geminiano T. de Ocampo
Article by Carlos_A
Geminiano T. de Ocampo (Setyembre 16, 1907 - Setyembre 2, 1987)
Siya ay ang tinaguriang “Ama ng Makabagong Optalmolohiya” sa Pilipinas. Isinilang si Dr. Geminiano T. de Ocampo sa Malolos, Bulacan, noong Setyembre 16 ng taon 1907 na anak nina G. Juan de Ocampo at Gng. Vicenta Tiongson. Si Dr. de Ocampo ay nagtapos bilang valedictorian sa Bulacan High School noong 1925. Nagtapos din siya ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1932, at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagdadalubhasa sa ophthalmology.
Kilala siya bilang isa sa pinakamahusay na optalmologo ng bansa, mananaliksik, imbentor, manunulat, at lider sibiko. Pinangunahan niya ang pagtatatag ng kauna-unahang ospital ng mata sa Pilipinas at naging susi sa pag-organisa ng Philippine Ophthalmological Society at ng Philippine Eye Research Institute. Bilang isang imbentor, nagdisenyo siya ng bagong instrumento na tinaguriang de Ocampo corneal dissector. Siya rin ang unang siruhano na nagpasimula ng corneal transplantation sa Pilipinas na nagbigay pukaw sa pansin sa larangan ng medisina kung saan siya ay iginawaran na Pambansang Alagad ng Agham noong 1982.Isa sa pinakamahalagang saliksik na kaniyang pinamunuan ay ang Case Report on Neovasculogenesis of the Retina, Perivasculitis, and Plevitis Retina na nailathala noong 1944. Sumulat rin siya ng isang komprehensibong ulat na pina-magatang “Blindness During the Japanese Occupation in the Philippines.” Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtungo si Dr. de Ocampo sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang mas mataas na pagsasanay. Dito niya natutunan ang makabagong paraan ng corneal transplantation at sinimulang gamitin sa Filipinas. Inimbento rin niya ang de Ocampo corneal dissector na nagpadali ng proseso ng pagtitistis sa mata at makalipas ang ilang taon ay itinatag niya ang De Ocampo Eye Hospital noong 1952, ang kauna-unahang ospital ng mata sa Pilipinas ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw sya noong Setyembre 2 ng taon 1987 sa edad na 79 kinikilala pa din sya bilang parangal sa kanyang mga ambag sa larangan ng medisina.
References
- https://www.officialgazette.gov.ph/banner-artwork/germiniano-de-ocampo/
- https://www.members.nast.ph/index.php/list-of-national-scientist
- https://www.stii.dost.gov.ph/1576-national-artist-dr-geminiano-de-ocampo-s-legacy-lives-on-at-the-dost-stii-library
- https://www.herdin.ph/index.php?view=research&cid=19114
- https://paojournal.com/article/pioneer-in-eye-research/
- https://newsinfo.inquirer.net/398159/geminiano-t-de-ocampo-visionary-awards-recognizing-efforts-in-medical-research