Gregorio S. Licaros

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by Sammerry_F


Gregorio S. Licaros, 1926 (12 Marso 1909 - Agosto 3, 1983)

Ipinanganak si Gregorio S. Licaros sa Meycauayan, Bulacan, noong Marso 12, 1909, kina Catalino Licaros at Anastasia Soriano. Siya ay nagtapos ng sekondarya sa Bulacan High School noong 1926 at nagtapos ng komersiyo sa kolehiyo.

Si Licaros ay isang banker at isang pulitiko. Si Licaros ay naging general manager ng GSIS noong 1954 hanggang 1955, siya ang chair of the board of governors ng Development Bank of the Philippines at hinirang bilang ikaapat na Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula 1970 hanggang 1981. Siya ang humalili kay Alfonso Calalang, isang kapwa nagtapos sa BHS, bilang CB governor.

Si Gregorio S. Licaros ay ikinasal kay Concepcion Blanco at nagkaroon ng dalawang anak, sina Gregorio Jr. at Abelardo. Pumanaw si Licaros sa edad na 74 taong gulang noong August 3, 1983.


References


External Links