Johnsel Faustino

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Si Johnsel Faustino ay kasalukuyan isang Master Teacher I sa Balite Elementary School. Siya ay nag-aral ng sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School noong taong 2001 hanggang 2005. Kaniya namang pinagpatuloy ito sa Bulacan State University kung saan ang kaniyang kurso ay Bachelor in Elementary Education Major in General Education. At noong taong-2009 siya ay nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa tulong ng kaniyang dedikasyon sa pagsilbi para sa bayan, partikular sa mga kabataan, matapos makapagtapos ng kolehiyo at magtrabaho sa isang pampublikong paaralan, si Faustino ay nag-aral sa La Consolacion University of the Philippines ng Master of Arts in Education Major in Education Management noong taong-2018. Tunay nga, siya ay isa sa maraming halimbawa na mga gurong handang ialay ang kanilang buhay para lamang makapagturo at pagandahin ang kinabukasan ng ating bansa.

Johnsel Faustino.jpg